Ahy grabe. Hindi ko alam kaninang umaga kung magbubunyi ako o ano. Banaman kasi, nakabihis na ko’t lahat lahat, lalabas na lang ng bahay nung nakatanggap ako ng mga GM. Wala raw pasok! (Ewan kung dahil may bagyo ngayon o dahil SONA ni Madam Pres. kaya walang pasok.) Isa pa, reporting ko ngayong araw na ‘to. Sayang yung effort kong pagpupuyat kagabi na halos maadik na ko sa amoy ng pentouch at matabunan ng mga cartolina para tapusin report ko tapos ganun. (Mungewan siya. :D Pwede namang OHP o kaya powerpoint, cartolina pa pinagamit.) Kaya ayun, sa wednesday na lang ulit. Natapat pa sa araw ng 17th birthday ko. Bayun. Araw ko yun tapos puro cartolina bitbit ko. Hays. Pero natuwa rin naman akong walang pasok dahil walang P.E. Bigat kaya magdala ng rubber shoes, uniform at raketa. Hirap din mag-cramming pag lunch time. 30 minutes lang kasi ang break ko pag monday ng tanghali kaya dapat paspasan sa paglamon. Isa pa kaya natuwa ako dahil nakapagpahinga ako. Saya matulog maghapon. Ahe
May nabasa ako sa isang blog. HOW TO CONTROL EMOTIONS. Wala lang, natuwa lang ako nung nabasa ko. Kung gusto niyo ring mabasa, click
this.