<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d2637413228050757705\x26blogName\x3dblah.+blah.+blog.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://ashane14.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://ashane14.blogspot.com/\x26vt\x3d-4677028799224374721', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g? targetBlogID=3054107564476057249&blogName=url.blogspot.com&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSI C&homepageUrl=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Welcome to ashane14.blogspot.com
=)Y
Monday, June 23, 2008

Walang maisip na title. Nyaha.

May bagyo ngayon kaya naman walang pasok. Sayang naman.. P.E pa man din namin tuwing Monday. Pero kahit bumabagyo, malakas ang hangin, at minsan nawawalan ng kuryente, masaya naman..

Dahil?.. Naka-text ko siya.
Sino?.. Yung kras ko sa school. Yeeha. Hehe. *Ngiti ngiti. :)
Tapos?.. May sinabi siya.
Ano?.. Na ano daw..
Ano nga?.. Secret na yun. Akin na lang yun. Haha

Oo tama daw bang kausapin ang sarili.
Muntanga ko. Haha

ends at 2:52 PM

6 comments
Ngayong week ...Y
Saturday, June 21, 2008

Orayt. Nadalaw ko rin tong blog na to. Ngayon lang kasi nagkaroon ng time. Ngayong week na to kasi pakarami kong ginawa. Busy masyado.

Na-meet na namin lahat ng prof namin except sa isang subject. May peyborit na agad akong prof. Ang galing kasi magsalita. Hindi nakakaboring. Yung isa naman, pa-assignment nang pa-assignment. Muntaeh. Haha.

Natutuwa naman ako sa Nihongo subject. Wala lang. Pinag-aaralan na kasi namin kung paano magsulat sa Japanese. May ganun ganun. Asheinu yata pangalan ko pag sa Japan. Ah ewan.

Inis! Classmate daw ng mga classmate ko yung gusto kong maging classmate. Eh na-closan ako ng subject na yun, kaya ayun, malas. Pero okay na rin, pero ewan. Gulo ko. Hehe.

Habang nag-uupdate ako dito, yung dalawa kong kapatid naghaharutan. Peste pakakulit talaga pag mga lalaki kasama mo sa bahay. Ang haharot. Kairita.

Sige pala, blog-hopping muna. :)

ends at 8:22 PM

6 comments
Y
Monday, June 16, 2008

Simula ngayong araw na 'to, naka-uniform na kami. Last week kasi hindi pa e. Grabe. Ang sikip na ng palda ko. Kung dati rati pumipihit pa yon dahil maluwang, ngayon, wala lang, pakasikip. Ibig sabihin kaya nun, tumaba ako kahit papano. Yes. Haha.
Magsusulat na naman ako ng autobiography ko. Bayun. Katamad. Ayoko nang balikan ang mga nakaraan. Weh. Haha. Makagawa na nga. Ge.

ends at 6:33 PM

0 comments
Update update lang.Y
Sunday, June 15, 2008

Lakad dito, lakad dun. Tatlo lang ang pumasok na prof sa'min ngayong week na to. Pakasipag. Oo na di pa regular class. K. Kaya naman pagala-gala kaming magkaklase. Kahit na half-day lang ang klase ko, anong oras na rin ako nakakauwi. Medyo pagod at wala na ring time minsan kaya bihira na lang makapagblog.

Wimpy's o Jolibee. May mga nabago ngayon sa school. Isa na dun ang canteen na bagong pintura. Kulay orange ba naman kaya sabi nila para kang nasa Wimpy's o Jolibee kapag pumasok ka. May mga echos na rin silang pinapatupad. Bago ka makabili kailangan mo muna ipapalit ang pera mo ng chits. Sows. Bumili lang ako ng c2 at mentos, may resibo pa.

Unexpected. Nagkasalubong kami ni kuwan. Akalain ko yun, marunong naman pala siyang mamansin.

Nihon. Magiging favorite subject ko siguro to. Ang cute kasi ng ibang word kahit na nakakabuyoy yung iba. May assignment nga kami agad eh. Alamin ang mga dasal tulad ng Glory Be, Our Father, Hail Mary at Sign of the Cross sa Japanese. Akala ko pakahirap hanapin nun, dali lang pala basta may internet. Hinding-hindi ako magpapa-late sa subject na to. May password kasi bago makapasok sa room pag late ka. Minasan Ohayo Gozaimasu Okurete Gomen Nasai. Ang haba.

Kung anu-anong pinagsasabi ko. Sagutan ko na lang yung tag galing kay Casoi.

You share 8 things that your readers don't know about you. Then at the end, you tag 8 other bloggers to keep the fun going.

* Each blogger must post these rules first.
* Each blogger starts with eight random facts/habits about themselves.
* Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their eight things and post these rules.
* At the end of your blog, you need to choose eight people to get tagged and list their names.
* Don't forget to leave them a comment telling them that they're tagged, and to read your blog.
Here it comes...

1. Maselan ako sa pagkain. Ayoko ng carrots at kamatis. (Yung luto lang pero yung hilaw niyan kumakain naman ako.) Pati ng tokwa, bawang, sibuyas, luya, mushroom at okra.

2. May kilala akong poser sa friendster. Close kami kaya nakwekwento niya sa'kin. May dahilan naman siya kaya niya nagawa/ginagawa yun. Pero oo masama pa rin yun. Tandaan niya na lang ang salitang karma.

3. Sa mother side, sa'ming magpipinsan na babae, ako ang pangatlo sa pinakamatanda. Yung dalawang nauna sa'ken biglang nag-asawa nung college sila. Kaya nga natatakot parents ko na baka gawin ko rin yun. Pero, haller?!?!? Ayoko pa nga magboypren tapos asawa na agad?.. Sows.

4. Ayokong naririnig ang pag-meoww meoww ng pusa. Wala lang. May naalala kasi ako eh. Creepy.

5. Nung bata ako, ayaw na ayaw ko ang hotdog na may cheese. Ewan ko ba sa sarili ko. Pero ngayon isa na yon sa mga peyborit food ko.

6. Marami akong pinangarap maging. Tulad ng, maging professional photographer, pianist, dentist, model, swimmer, techer ng mga kinder, at maging mayaman. (Ahe. Lahat naman yata nangarap nun?..) At marami pang iba.

7. Mahilig akong magbigay ng letter. Lalo na nung HS. Wala lang. Para lahat ng gusto kong sabihin masabi ko.

8. Di ko feel ang magpahaba ng kuko. Wala lang di kasi ako mapakali pag mahaba na.

Ta-tag ko sila:

Karla

Alyssa

Bettina

Jamie

Krisel

Rej

Vea

**

---

BTW, Happy Father's Day sa lahat ng tatay sa mundo! :)


ends at 1:34 PM

5 comments
1st day of school.Y
Tuesday, June 10, 2008

Kamusta naman ang first day of school ko na parang wala lang. Kinabahan pa ko dahil akala ko late na ko sa first subject ko, pero buti naman hindi. Pag dating ko ng room medyo nasuprise ako. Akala ko kasi nagtransfer na ng GC yung isa sa pinakaclose kong tao sa school, pero yun pala hindi. Nagtago pa siya sa likod ng pinto nung pumasok na ko. Nagmukha pa kong ewan nung nagpakita na siya dahil akala ko dinadalaw niya lang kami. Medyo late ko na nalaman na hindi na pala siya natuloy sa paglipat. Langyang yun. Nagdrama pa ko kagabi dahil nga alam ko na aalis na siya tapos ganun. Pero ayos din na hindi na siya lumipat para sama-sama pa rin kami.

Nakakaewan ang mga prof. Walang sumipot kahit isa. Nauwi tuloy sa paglilibot at pagtambay ang lahat. Hindi pa naman regular class kaya sige, bahala sila.

Bukas maaga na naman ang gising. Back to normal na naman.

ends at 3:13 PM

4 comments
Goodbye Bakasyon.Y
Friday, June 6, 2008

Ilang araw na lang pasukan na naman. Sows. Parang ayoko pa. Nakakatamad gumising ng maaga. Pero parang gusto ko na rin. Syempre excited na makita ulit mga classmates and friends and crush sa school. Second year na ko. Yay.

Bago matapos ang bakasyon, gusto kong i-summary ang nangyari sa'ken ngayong boring na summer na 'to.

Unang-una sa lahat. Na-try kong mag-gym. Hindi naman umipekto. Walang nangyari. Tamad eh. Haha.

Pumayat ako lalo. Sabi ko nun ngayong bakasyon magpapataba ako kaso ayun, kabaligtaran ang nangyari. Laging puyat eh. Sabi nila malakas talagang makapagpapayat ang pagpupuyat. Hindi ko kasi maiwasan dahil may internet. Minsan dahil rin sa kate-text. Magdamagan ba naman eh, diba Amanda? Nyaha.

Hindi man lang ako nakapag-out-of-town. Yung talagang namasyal or dumayo sa ibang lugar. Hmp. Dun lang sa Subic ako nakapunta eh. Bayun.

Nagka-crush ako sa 2nd cousin ko. Nabigla lang ako nung nakita ko ulit siya. Hindi ko akalain ganun na itsura niya. Tapos gentleman at makulit pa. Pero alam kong mali, kaya ngayon kuya na lang turing ko sa kanya. Sana nga siya na lang kuya ko eh, yung kuya ko kasi walang kwenta. Haha.

Ilang beses kong pinag-isipan kung magtra-transfer ba ko o hindi. Nung una kung magshi-shift lang, pero nung katagalan pati pagta-transfer. Nasabi ko na nga sa parents ko ang about dun eh. Ang sabi nila bahala daw ako basta mag-aral ako. Eh kaso, ayun, wala ring nangyari. Dun pa rin ako sa dati kong school at course bumagsak. Naguluhan lang siguro ako.

Ilang beses ako gumawa ng kasalanan sa parents ko. Nagsinungaling ako para lang makasama sa gala ng barkada. Pasaway na kung pasaway. Eh kasi naman. Buti nga di ako nahahalata or nahuhuli eh, kung di yari na patay pa.

Lalong yatang lumabo mata ko. Sabihin na rin nating lalo akong naadik sa internet kaya siguro lalong lumabo. Eh kasi naman, kapag may bago kang natutuklasan or nalalaman talagang hindi mo mapigilan hindi mag-internet.

Ayan lang pala ang mga nangyari sa'ken ngayong summer. Enjoy na rin pala dahil sa mga gala kasama ang barkada at mga classmates dati.

ends at 10:48 PM

5 comments
Next time na lang.Y
Wednesday, June 4, 2008

Ayokong tamarin mag-blog pero, ehh. Naman kasi, medyo naiinis at naiirita ako nitong mga nakaraang araw, yan tuloy, naaapektuhan itong blog. Hays. Yoko ikwento, baka mainis na naman ako.
Siguro mag-uupdate na lang ulit ako pag medyo maganda na mood ko. June pa naman na ngayon. Anong konek? Wala naman. Waha. Oh xa.

ends at 6:08 PM

2 comments