<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d2637413228050757705\x26blogName\x3dblah.+blah.+blog.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://ashane14.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://ashane14.blogspot.com/\x26vt\x3d-4677028799224374721', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g? targetBlogID=3054107564476057249&blogName=url.blogspot.com&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSI C&homepageUrl=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Welcome to ashane14.blogspot.com
Tagged.Y
Tuesday, April 29, 2008

Ayan. Nakapag-update rin. Napadaan ako sa school kanina kaya naisipan kong tanungin kung pwede nang kuhanin yung grades sa registrar. Eh kaso ayun, hindi pa raw pwede. Excited kasi ako ai. Nakasama ko na naman ang dalawa kong kaibigan kanina, parang antagal naming mga hindi nag-uusap, andaming kwento sa isa't-isa.

Anyways, ti-nag nga pala ako ni ate Yesha. Ngayon ko lang siya masasagutan. Hihi.

Here are the rules:

Remove one (1) question from below and add in your personal question, make it a total of 20 questions, then tag eight (8) people in your list. List them out at the end of this post.

1. Who is your fashion icon?
^Wala e. Hindi nga ako marunong pumorma. Hihi^

2. What color do you like most?
^White.^

3. Have you ever shoplifted?
^Nope and never.^

4. What is your greatest fear?
^Kamatayan. Haha.^

5. Which part of you that you hate the most?
^Eyes. Anlabo kasi.^

6. When you encounter a sad moment, what do you do?
^Libagin ang sarili. Kahit ano eh.^

7. What are you afraid to lose the most?
^Family and friends.^

8. If you win $1 million, what would you do?
^Mag-shopping syempre o kaya i-bangko.^

9. What do you love the most last year (2007)?
^Senior life.^

10. List out 3 good points of the person who tagged you:
^Haha. Si ate Yesha pa lang.^

11. How do you cope with boredom?
^Magsulat ng kung anu-ano.^

12. Till now, what is the moment that you regret the most?
^Nung hindi ko nasabi yung dapat kong sabihin nung graduation sa isang tao.^

13. Which type of person do you hate the most?
^Manggagamit.^

14. What is your ambition?
^Dati kapag nagsasagot ako ng slam book, ang nilalagay ko laging sagot sa tanong na yan ay teacher. Pero ngayon, ayoko na yan.^

15. If you had one wish, what would you wish for?
^Maging high school ulit.^

16. How did you celebrate new year?
^Naka-red na damit then hindi gagala nang 'di kasama ang family. Takot sa paputok eh.^

17. What book do you like the most?
^Mga libro ni Bob Ong.^

18. Does your family knows that you have a blog?
^Hindi, pwera lang sa kuya kong.. wala.^

19. What would you prefer the most, blogging or cuddling?
^Blogging.^

20. What name do you want for a baby?
^La pang maisip e. :]^

So im tagging:
Casey
Erica
Jamie
ate Jhoice
Rej
Kaunti pa lang nasa list ko kaya yan muna sa ngayon.

Nasa comment page yung mga tanong. Parang kasi hindi niyo maka-copy e kaya nilagay ko run.


ends at 10:54 PM

3 comments
Blogging.Y
Saturday, April 26, 2008

Xete. Alam pala ng mga kapatid ko ang tungkol sa blog na 'to. Gawd. Paano ko nalaman na alam nila?.. Kasi binalita kanina sa t.v ang about sa blogging at sinabi nila sa'ken na may ganun ako. Hala?.. Baka tuloy may mabasa silang kalandean ko dito. Haha.

Anyways, ilang araw na rin pala akong tambay dito sa bahay, bihirang bihira lang lumabas. Walang libangan kundi manuod, mag-online at mag-text. Hindi lang talaga ako nag-u-update dahil walang maikwento. Medyo nakakasawa ang ganito pero ayos lang, may internet naman. Haha. Adik na 'ko. Anyways, oo mukha na 'kong anyways, mamasyal-msyal muna ako sa blog ng iba, wala na 'kong masabi e.

ends at 10:51 PM

4 comments
My heart has a mind of its own.Y
Wednesday, April 23, 2008

Ilang araw rin akong hindi nakapag-update. Nagkaproblema kasi yung internet connection namin. Pero ngayon maayos naman na. Wala naman masyadong nangyari sa'ken nitong mga nakaraang araw. Paulit-ulit lang akong umaalis ng bahay tuwing 6pm para mag-exercise. Nakakasawa. May kantang hindi maalis-alis sa utak ko magmula 'nung nakaraang araw pa e. My heart has a mind of its own ni Christian Bautista. Napakinggan ko lang siya tapos ayun, hindi ko namamalayan kinakanta ko na pala. Pakinggan niyo na lang kung di niyo pa napakinggan, hindi ko ma-upload e. :)
---
PBB hair style.

Natutuwa ako sa mga hair style ngayon ng mga boys sa PBB. Ang kukulet kahit mukhang xunga. Haha. Ma-try nga ang ganung hair style. Haha. x)

ends at 1:36 PM

1 comments
Weird na trip.Y
Thursday, April 17, 2008

Kagabi napansin ko hindi ko pa pala nabubura mga message sa inbox ng cp ko na mahigit 500 na. Katamaran e. Ima-mark all na lang at ide-delete hindi ko pa magawa. Hehe. Nasabi ko sa classmate ko yun na si Amanda, ganun rin pala siya at mas malala pa nga. Inabot daw ng 1,500 ang inbox niya bago niya denelete. Napagtripan namin na ibi-break ko ang record niyang yun, hindi ako magbubura ng message hanggang sa maging 1,514 o higit pa. Haha. Kalokohan e nu.

ends at 2:30 PM

3 comments
Nakakapagod.Y
Tuesday, April 15, 2008

Kamusta naman yung unang araw ng pag-eehersisyo ko sa gym. Ako ang pinakapayat. Haha. Nakakahiya. Mabuti't exclusive for girls lang yung gym na yon para hindi ako mailang. Wala pa akong kakilala dun kundi yung manager ng gym na yon, ewan ko kung manager nga siya dun o ano. Sa friday pa raw ituturo sa'ken yung talagang proper na exercise ko. Nakakapagod, nakakagutom at ang sarap humilata sa kama kanina. Kung di lang talaga kailangan e. Pero okei lang naman din kasi para rin naman saken yon. Mga 5:30pm ako pumunta dun at mga 7:30 ako umalis dun. Dahil tinamad na 'ko, umalis na 'ko agad kahit hanggang 9 pm pa dapat. Nang patawid pa ko muntik na kong masagasaan, ang engot kasi ng kotse di tinitingnan kung may tatawid. Haha.

---

May nabasa akong e-mail galing sa pinsan ko, noong January 19, 2008 pa niya in-email sa'ken pero ngayon lang ako sinipag basahin. Ang title 'nun ay "OKRAYANG FRIENDSTER.... with... PICTURES!!!!!!". Hindi ko alam kung yung pinsan ko ang gumawa niyan o forwarded lang din. Kung hindi mo pa nababasa ang about diyan at gusto mong malaman kung anong klaseng pag-ookray ang ginawa dun, sabihin mo lang sa'ken at ise-send ko sa'yo through e-mail. Hehe. Ang bad ko.

ends at 9:49 PM

0 comments
Y
Monday, April 14, 2008

Galing na ako kanina sa isang gym para mabigyan ng proper exercise para sa sakit ko, grabe bukas na raw ako mag-istart. Buti na lang exclusive for girls lang yung gym na yon para hindi ako mailang.

---

Kanina pauwi na ko nang may tumwag saken, sinagot ko na lang kahit number lang at globe pa nga, hindi ko maintindihan yung sinasabi niya dahil nasa jeep ako, maingay, kaya pinatay ko na lang. Tinanong ko kung sino siya, siya raw yung kakilala ng kaibigan ko na nakausap ko na rin nung bumili ako ng card reader sa shop nila. Natawa ako nang nalaman kong siya yon pero pinigilan ko dahil baka sabihin ng mga kasama ko sa jeep nababaliw na ko dahil natatawa akong mag-isa. Tinatanong niya kung pwede raw ba akong maging special friend niya. Natatawa ako sa kanya. Hindi ko na lang nireplyan. Tapos bigla na namang nagtext, niloloko lang pala ako ng isa kong kaibigan. Lintek sila. Hehe. Tama raw bang pagtripan ako, buti na lang hindi ko na siya nireplyan nung nagtanong siya. Nakakailang na tuloy dumaan man lang sa shop nila.

ends at 6:50 PM

0 comments
Swimming or gym?Y
Friday, April 11, 2008

Kanina. dahil one year na ng check-up ko, bumalik na kami sa doctor ko. May scolio--- kasi ako e. Pina-x-ray na naman ako, natawa pa 'ko sa sinabi ng doctor na h'wag daw akong mag-alala dahil hindi naman daw nakakabaog ang x-ray. Muntaeh. Hihi. Nakakailang pang magpa-x-ray, lalaki kasi yung nurse, pero nurse naman yun kaya walang malisya. Ang sabi ng doctor hindi naman ganun kalala pero kailangan ko pa rin agapan dahil kapag daw nagdalaga na raw talaga ako, yung mga edad 18 above, hihina yung bone ko kaya pag napagod ako, kikirot. Aww. Ayaw kong maramdaman yon. Susundin ko na talaga yung payo ni doc. Either swimming or gym ang pwede kong gawin para pampalakas ng muscles. Mas pinili ko ang gym para naman ma-try ko kung paano, hindi naman talagang exercise ang gagawin ko, yung basic aerobics lang. Pero mahal daw kapag sa gym sabi nila, kaya pag hindi kaya ng budget, swimming na lang. Grabe.. bat pa kasi ako nagkaganito ai.

------

Muning.

Nakakatakot, tuwing madaling araw kasi, mga bandang mag-aalastres, oo gising pa ko nun mahirap kasi akong makatulog e, may pusang umiiyak dito sa likod ng bahay namin, ilang madaling araw na nangyayari yung ganun. Napapansin rin ng kuya ko yun. Hindi namin alam kung bat ganun pero dahil siguro buntis yung pinsan ko? Pero ano namang konek nun diba? Ah ewan. Huwag na lang sana siyang umiyak dahil hindi ako makatulog dahil tumatahol yung aso. Nakakaawa siya na ewan.

------

Naiinis na 'ko, gusto ko ng ayusin tong blog na 'to pero, megawd, wala pa rin akong mahanap na layout na sakto sa panlsa ko. Hmp. Makakahanap rin ako, malamang sa blogskins, ehe. k. :D

Labels: ,


ends at 3:35 PM

0 comments
Ang tindi ng sikat ng araw.Y
Wednesday, April 9, 2008

Ang aga ako ginising kanina ng mama ko, 9am. Oo, maaga na yon para saken. May aasikasuhin kasi kami. Ang init-init kaya ganun ko na lang sungitan yung mga kumakausap saken. Ang tagal-tagal naming naghihintay dun sa bangko, tapos biglang nag-off line tapos maya-maya nawalan ng power, kainis, buti may generator. Mga bandang 12 noon na natapos yung inaasikaso ng mama ko, ayaw ko lumabas dun sa bangko, sobra naman kasi yung tindi ng sikat ng araw, kala mo wala ng bukas. Feeling ko piniprito ako. Kahit sa jeep, kala mo nasa loob ka ng oven.

Pagdating dito sa bahay, kairita pa yung kapatid kong bunso, ang ingay-ingay magpractice, electric guitar kasi yon ai. Kaya ayon, dinaan ko na lang ang lahat sa tulog.

ends at 6:47 PM

0 comments
Summer jobY
Tuesday, April 8, 2008

Tinext lang ako ng kaibigan ko kung gusto ko raw bang sumama sa kanya, mag-aapply raw sa isang fast food. E wala naman akong ginagawa dito sa bahay kaya sige, go. Binuksan ko ang computer para gumawa ng resume, kaso ayun nung nabuksan ko na nawala sa isip ko na gumawa non, nawili akong makipag-chikahan sa mga classmate ko sa ym. Nang pahiga na ko, dun ko lang naalala na gagawa nga pala ako ng resume, dahil nakahiga na ko, hinayaan ko na, sinabi ko na lang na bahala na si batman bukas.

Kanina, akala mo talagang interesado akong magtrabaho, ang aga ko kasi nagising para syempre hindi ma-late sa exam. Bumuli na lang ako ng bio-data, sinulatan, dinikit ang 2x2 picture then pinasa. Nasabi ko sa sarili ko na magsasayang na naman ako ng 2x2 picture ko. Hehe.

Dahil maraming taong gustong magkatrabaho, pumunta na kami sa harapan para pag pinapila, hindi kami mapunta sa likod. Kaya ayun, maaga kami natapos mag-exam. Grabe, nakaka-time pressure, Parang yung 5 minutes, naging 3 minutes. Pakabilis ng oras. After lunch pa raw malalaman yung result ng exam, kaya ayun, naglibot-libot muna kami. Pakainit ng mga oras na yon, tanghaling tapat ba naman e. After maglibot-libot, bumalik na kami para tingnan yung result, ewan ko ba, wala naman talaga akong balak magtrabaho, ang gusto ko lang ma-experience kung paano magtest, kabahan at ma-excite sa result kung pasado ba o hindi. Ang sabi mga bandang 1:00-1:30 ipo-post yung result, kaso filipino time nga naman, alastres na wala pa rin. Gusto niyong makita kung anong itsura namin habang naghihintay? Haha. Eto.
Pakainit na tapos pakalakas pa ng hangin. Walang upuan, kaya ayan. Parang mga kawawa lang. Haha. Out of 7, 6 kaming nakapasa sa exam. Sayang yung isa kong kasama, ako na lang sana yung hindi nakapasa kasi wala naman talaga akong balak magtrabaho. Pero ang sabi nila, ituloy ko pa rin daw dahil sayang naman yung pinunta ko dun. Tapos ayun na nga, interview na ang next. Hindi man ako nakakaramdam ng pagkakaba, yabang. E ganun e. 70 ang iinterview-hin, pinag-iisipan ko kung itutuloy ko pa ba kasi ang haba ng pila, pero ayun, tinuloy ko pa rin. Mga bandang alasais ako na-interview. Mga 5 minutes lang siguro kami nagchikahan nung manager dun. 7pm pa raw malalaman yung result kung nakapasa sa interview, dahil may 1 hour pa naman ako, umuwi muna ako sa bahay. Kinuwento ko sa mga tao dito sa bahay yung mga tinanong at sinabi ko sa manager nung ininterview ako, ayun nagsitawanan sila. Hindi raw kasi ako marunong magsinungaling kahit konti, weh. Haha.

So ayun nga, bumalik kami ng mga kasama ko dun ng 7pm. Dun lang ako kinabahan. Haha. Out of 70 na nakapasa sa exam, mga 30 lang yata ang natanggap sa trabaho. Hindi ako nakuha, pero masaya pa rin ako dahil natanggap yung kasama ko. May umepal ngang isang crew dun, bat daw ang saya ko e di naman ako natanggap. Pakielamero yun, di ko nga pinansin. Hehe.

Congratz, imari. :)

Labels:


ends at 10:22 PM

0 comments
Naguguluhan na ako.Y
Saturday, April 5, 2008

Oo, naguguluhan na ko kung lilipat ba ako ng school. Dahil magmamahal ang tuition sa school namin at gagawin na raw corporate attire ang uniform namin, naiisipan ng mga classmate ko na magtransfer ng school sa GC. Ewan ko, pero parang gusto ko rin na parang ayaw kasi sayang naman yung one year. Para daw kasing wala kaming natutunan sa school namin. Haha. Pero ewan, siguro di lang talaga kami nag-aaral kaya ganun.
---
About sa layout. Ewan ko ba, papalit-palit ako ngayun. Di ko pa siguro natatagpuan yung talagang gusto kong layout. Sa ngayon, eto na munang layout ang gagamitin ko. Ang cute diba. Haha. Eggs.

ends at 9:43 PM

0 comments
Y

Hays.. Ang dami kong gustong gawin pero 'di ko alam kung anong uunahin ko. Parang gusto kong hatiin sa tatlo ang katawan at isip ko para magawa lahat ng gusto ko. Pero dahil hindi naman pwede yon, iisa-isahin ko na lang. Tutal mahaba pa naman ang bakasyon at marami pa akong oras para sa mga kaechosan ko sa buhay.

Tumingin-tingin ako ng mga layouts sa blogskins kanina at ang dami kong nakitang magaganda, cute at unique. Nakakatuwa ang mga gawa nila. Sa dami ng nagustuhan ko, wala pa akong napili. Di ko pa rin alam kung paano umpisahan ayusin tong blog na to. Nag-iisip-isip pa lang kung anong pwedeng sabihin. Habang tumitingin-tingin, dumalaw-dalaw rin ako sa blog ng iba, pero dahil wala pang ka-anu-ano tong blog ko, hindi muna ako nag-iiwan ng bakas sa mga blog nila na nanggaling ako dun. Nagbasabasa lang ako. Para saken, tama sila, walang pakielamanan sa blog ng may blog, kung anong gusto nilang sabihin, sasabihin nila. Tama naman yon dahil pagmamay-ari nila yun. Buti na lang talaga nauso ang blogging, ang laking tulong nito para masabi mo lahat ng gusto mong sabihin.

May usapan dapat kaming magkaka-klase ngayon na magkikita-kita, kaso ayun, dinapuan ako ng katamaran kaya hindi ako pumunta. Tutal din naman alam nila na 'di pa ko sure na makakasama sa binabalak nilang outing.

ends at 3:50 PM

0 comments
Crush SurveyY
Wednesday, April 2, 2008

Dito ko na lang siya sasagutan sa blogger imbes na sa bulletin board sa friendster.

Do u have a crush?
☆ Oo meron, dalawa.
Yung 1st. Long time crush since 3rd year HS
Yung 2nd. Taga-block B

What letter does it end with?
☆ 1st. Letter E
2nd. Letter H

Do you love that person till you die?
☆ 1st. Oo kahit di naman niya alam.
2nd. Ewan ko dun, depende.

Do you have bad intentions with that person?
☆ Grabe xempre wala. pa. Haha

Does he/she know that you have a crush on him/her..
☆ 1st. Hindi e, di kami close nun.
2nd. Oo yata, kasi nung minsan sinabi ko sa kanya pero yung pabiro lang. Hehe

What is your type??
☆ Basta yung mabait at hindi mayabang.

Do you want him/her to know that you have a crush on him/her?
☆ Wag na lang. Hehe

What' s the craziest thing that you have done recently?
☆ Dun sa 2nd crush ko, sinabi ko sa kanya na siya lang ang gwapo sa room nila. Waah sana di ko na lang sinabi yun.

If you were given a chance to talk to him/her, what would you like to tell him/her?
☆ Ahm.. hi, musta? yun. hehe

How long have you been crushing on him/her?
☆ 1st. Since 3rd year HS.
2nd. Field trip nung 1st sem.

Are you guys friends?
☆ Medyo medyo.

Is he/she in your class? school?
☆ Yung 1st, nung HS pero ngayong college, hindi na.
Yung 2nd, Oo. :)

Now the last question: What's the most memorable moment with your crush...?
☆ Memorable moment? Shet. Haha.
1st. 3rd year pa nangyari yun, tinuruan niya ako ng mga kalokohan sa pagdo-drawing. :D
2nd. Wala pa sa ngayon. :)

Labels:


ends at 7:42 PM

0 comments
Y

Bago pa amagin tong blog ko, mag u-update na muna ako. Summer na ngayon, oo, summer, pero hindi ko na-fe-feel. Pano ba naman kasi, nakatambay lang ako dito sa bahay. Gigising ako ng 11:30 or 12 noon, kakain ng lunch, then manunuod saglit, then mag-iinternet, pag napagod na, magmumuni-muni, tapos nuod ulit ng t.v tapos maya-maya gabi na, so matutulog ulit, gigising na naman ng ganung time, tapos ganun na naman. Hays, kasawa. Sana talaga pasukan na.
May pinagkakaabalahan ako ngayong bakasyon sa internet, yun ay ang mga tricks sa friendster, nagawa ko naman na ang mag-hide, pero kailangan ko pang pag-aralan ang ibang tricks. Ang hirap lang kasi, di ako makagamit lagi ng internet. Hays. Wala na akong masabi. Ingat na lang lagi kung nabasa mo itong blog kong walang ka-kwenta-kwenta.

Labels:


ends at 5:47 PM

0 comments