<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d2637413228050757705\x26blogName\x3dblah.+blah.+blog.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://ashane14.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://ashane14.blogspot.com/\x26vt\x3d-4677028799224374721', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g? targetBlogID=3054107564476057249&blogName=url.blogspot.com&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSI C&homepageUrl=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Welcome to ashane14.blogspot.com
NSTP at Outing ng block A ;]Y
Sunday, December 23, 2007

NSTP. 7am na ako nagising, pero 6am ko in-alarm yung cell phone ko. Ang hirap talaga gumising ng maaga lalo na kapag anong oras ka na natulog. 10am na kami nakaalis ng school. Ampakainit na ng mga oras na yon. Gift giving na sa mga pamilyang inusisa namin ang buhay nung nakaraang nakaraang sabado. Enjoy naman. Nang pauwi na, naglakad ulit kami papunta sa sakayan ng yellow jeep, at habang naglalakad kami muntik na kaming malapa ng aso, buti na lang at nakatawid agad kami ni Hazel sa high-way.

Outing. 1-1.3opm ang usapan na hintayan. Dumating ako sa tagpuan ng exact 1.3o. Pero ang hirap talaga kapag magkaiba ng network. Naka-globe kasi ako ng mga panahong iyon, so hindi ko natanggap ang group message ni Amanda na 2.0opm na lang daw magkita-kita dahil hindi pa luto ang spaghetti. So ayun, nag-ikot-ikot muna ako kung saan. Alas tres na halos kami nakaalis papuntang beach nila Amanda, Grace, Hazel, Elysa, at si Charmaine. Sila Chino at Ryan, naiwan muna sa tagpuan para hintayin ang hindi pa ring tapos lutuing spaghetti ni Racel.

Special thanks to Bernard dahil sa paglagay niya ng anti-virus at themes sa cell phone ko for free! :)
[Yung lalaking stripe yung damit.]
Sayang hindi lahat sumama. Pero, atleast natuloy at nag-enjoy kami.
6pm kami umalis nila Marj at Daisy sa beach. Nag-upload muna ako ng pics sa netopia. 9pm na ako nakauwi. Mabuti't hindi ako pinagalitan kahit hindi alam ni mama na sa beach ginanap ang xmas party. :)

ends at 12:58 AM

0 comments
Ansungit!Y
Friday, December 21, 2007

Waa. Pumunta kami kanina sa library ng Columban para sa term paper namin, ansungit ng mga grantee. Magpapa-photo copy lang e. Kulang-kulang pa yung sinerox niya. Hmp. Pati yung librarian, tinanong kung estudyante raw ba kami ng Columban at sabi pa, bakasyon na raw bat andun pa kami. Kaya ayun, nagmadali kaming umalis dun. Katakot. Pero si Imari, relax na relax. Hindi man nasindak. Ayoko na ulit makita yung grantee na yun at siya, oo siya.

[Huhu. Wala na ang mga qoutes sa folders ko. Nagha-hang kasi ang cell phone ko e, kaya yun, no choice kundi magdelete. Sayang! ;(]

ends at 7:57 PM

0 comments
Ang hirap maghati ng oras.Y

Nagpasama si Paniang magparelax ng buhok, so ayun sige oo. 1pm ako pumunta sa tagpuan namin tapos siya 2.3o. Kamusta naman yun diba? 2.30 hanggang 5pm ako naghintay sa kanya sa images. Gusto ko sanang umalis na at wag na siyang hintayin dahil may lakad pa ako, b-day ng ka-block ko na si Karla, kaso bad trip ang cell phone ko, nagha-hang dahil walang memory card na kay Bernard dahil pinapalagyan ko ng anti-virus. Kaya ayun, inayos ko muna para bago ako umalis makapag-text na ako. 5pm natapos ang pagpapa-ganda niya.


Happy B-day, Karla. Hapon na nang-imbita si Karla, kaya di ako nakapag-prepared. Apat kaming bisita niya sa bahay nila. Umuwi muna ako pag tapos ko samahan si Paniang, pero sana pala hindi na lang ako umuwi, traffic sa pepsi. May nagbungguang jeep at tricycle. Kaya ayun, lalo pa akong natagalan. Pag dating ko sa kanila, tapos na sila kumain, kwentuhan at nagtawanan lag sila Daisy, Chino at Kim. Si Karla na may b-day nagkwento lang about sa ex niya. Haay hirap talaga kapag magulo ang love life. weh. nu konek?


8pm na ako, kami, nakaalis sa bahay nila Karla, ang usapan namin nila Joanna, 7pm magsisimba sa San Jose, kaso late na, at kung sa Columban naman, tiyak na marami nang tao. Kaya sa Subic Int'l Hotel na lang. Pero masyado pang maaga kaya naisipan namin nila Joanna at Reynan na kumain muna ng snack sa light house. Pero dahil naglakad lang kami papunta dun, inabot kami ng 9.3o. 1o ang simbang-gabi sa SIH, kaya ayun, wag na raw magsimba. Nademonyo ako. Haha. Joke.


Magtwo-two na ng madaling araw ako nakauwi, kaya ayun, niyari ako ng ina ko.

ends at 7:09 PM

0 comments
RandomsY
Tuesday, December 18, 2007

Tanging-yaman
Naipakilala na ni Jarviz sa ken ang kanyang tanging-yaman, ang kanyang niligawan. Hindi ko alam kung bakit yon ang tawag nya dun sa gurl pero, kakatuwa naman diba kahit medyo baduy. Haha. Mabait naman yung gurl, madaling pakisamahan at friendly.

Pangatlong simbang-gabi
Dahil mga 6:30pm na kami natapos mag-usap usap ng mga kagrupo ko sa filipino para sa dula-dulaan namin, late na kaming makakapunta sa San Jose para magsimba, 7:30 ang mass dun, alam naming hindi na kami makakaabot pa dahil uuwi pa kami sa kanya-kanyang bahay. Tatlo lang kami nila Daisy at Francis magsisimba kaya napagpasyahan naming sa Columban na lang mag-mass. Sa bagal kong kumilos kaya ako na-late sa oras na pinag-usapan. Akala ni Francis ay may susunod pang misa, pero nung wala pala, halos sisihin namin siya ni Daisy dahil hindi na namin mabubuo ang simbang-gabi. Buti na lang sinabi ng guard ng Columban na sa Subic Int'l Hotel ay 10pm ang umpisa ng misa, kaya doon na lang kami pumunta. Mag-aalas dose na ako nakauwi sa bahay, napasarap sa kaiikot sa night market, hindi ko naisip na may exam pa pala kami kinaumagahan.

Dula-dulaan
Ako'y hamak na narrator lang kaya pa-easy-easy lang ako habang nagprapraktis ang mga kagrupo ko sa corridor. Tungkol sa pamilya ang aming munting dula-dulaan. Naging maayos naman ang pagpe-perform namin kahit ang gulo ng iba at di alam ang susunod na eksena.

BMT prelim
Grabe bakit ganun, kapag ang titser mo ang nagpapakita kung paano na-solve ang problem, parang ang dali-dali pero bakit kapag ikaw na mismo ang nagso-solve parang hello panu to? Nakakatuwa ang bonus question ni sir. Nakaka- oo yun na. Hindi alam kung english ang tinuturo o math.
8 and 8 ARE 15 or 8 and 8 IS 15?
siret na?

ends at 2:49 PM

2 comments
Simbang-gabiY
Sunday, December 16, 2007

Gabi-gabi na halos ako puyat. Hindi dahil sa kagagala, kundi dahil sa kababasa ng pocket books. Nakakawili pala kapag naumpisahan mo na magbasa ng mga ganun. Excited kang malaman kung ano ang mangyayari sa huli. Kaya ayun, naadik na kaming magkaka-klase.


Simbang-gabi na. At kagabi nagsimula. Nagsimba ako, hindi sa Columban kundi sa San Jose. Alam ko kasing maraming mga ka-batch ko ang dun rin magsisimba e. Kaya yun. Sana makumpleto ko na ang simbang-gabi by this time.

ends at 3:18 PM

0 comments
Bayun?!Y
Friday, December 14, 2007

Kaasar huh. Ready na ako sa pagpasa ng topic para sa Term Paper kanina, tapos biglang sinabi sa monday na lang daw yun. Inatubili ko pa man din yung mga kakilala ko kagabi para manghingi ng i-su-suggest nilang topic tapos ganun. Asar ah. Katamad na tuloy.

ends at 4:46 PM

0 comments
Term PaperY
Wednesday, December 12, 2007

Kinuha ng english prof namin yung mga i.d namin kanina para magpalabunutan kung sino ang unang magre-report ng term paper. Grabe kamalas-malasan nga naman oh.. pangatlo ako. Sa feb. 11, 2008 pa naman mag-i-start ang reporting kaya mayroon pa akong halos isang buwan para makapaghanda. Kaso wala pa rin akong topic ngayon, sana lang makaisip na ako agad dahil sa friday na ang pasahan ng topic. Haay ibang-iba talaga ang college sa high school.

ends at 9:27 PM

0 comments
traffic!Y
Monday, December 10, 2007

Grabe to the max ang traffic kanina. Mahigit 30 minutes kaming naistranded sa jeep. May nabunggo kasing truck, ayan tuloy lahat nadamay. Kung ikaw siguro'y naje-jerbax na o kaya naji-jingle, kawawa ka dahil 'di ka pa agad makakauwi. Tapos kung yung katabi mo sa jeep, nakakairita na parang ang sarap itapon palabas ng jeep, naku.. lalo pang mag-iinit ulo mo.


Walang pasok bukas! Oo ang saya dahil hindi ako gigising ng maaga. Yey! Hindi ko alam kung anong meron, pero kung ano mang meron ala na ko pake. :)


Kailangan namin ng topic na may connection sa course namin para sa term papaer. Haayy ano naman kaya ang topic ko? Hmm.. Ang hirap mag-isip pero sana makaisip ako.

ends at 8:36 PM

0 comments
First entry for this blog.Y
Friday, December 7, 2007

Late na naman ako kanina at asar 'yung guard ha. Hindi kami pinapasok ng school dahil hindi raw kami naka-uniform. Naka- CBA t-shirt naman kami na may logo rin ng CC. Kainis. Ang hirap talagang makapasok sa Columban kapag hindi naka-uniform at late ka pa. Wala na kaming nagawa ni Danielle kaya naglakad-lakad na lang kami sa mall para magpalipas ng oras. Plus one point sa finals kapag nakumpleto ang attendance, kaso wala e. Sayang!

Dahil ayaw pa naming umuwi magkaka-klase, naglakwatsa na lang kami sa SBMA. Napadpad kami sa Yellowcab, pumasok lang kami at naupo ng saglit tapos lumabas na. Mas pinili na lang ng mga manlilibreng si Hazel at Krixie sa Chowking. Syempre hindi mawawala ang picturan habang naglalakad.

Sinindihan na kanina ang Unity Christmas Tree, na bago gawin ay nagkaroon pa ng mahaba-habang serimonya. Ang akala namin, napakaliwanag nun kapag nasindihan pero nagkamali kami.

Bago na naman itong blog ko. Nakailang blog na rin ako. Una, yung sa friendster na nakailang entries din ako. Yung sa wordpress, na kahit minsan hindi ko nagamit. Yung una kong blog dito sa blogspot na dahil nakakasawa na at hindi ko rin naman na nagagamit, minabuti ko na lang na i-delete. At heto nga, bago na naman. Sana lang lagi na akong makapag-post ng entries dito.

ends at 10:54 PM

0 comments