<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d2637413228050757705\x26blogName\x3dblah.+blah.+blog.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://ashane14.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://ashane14.blogspot.com/\x26vt\x3d-4677028799224374721', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g? targetBlogID=3054107564476057249&blogName=url.blogspot.com&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSI C&homepageUrl=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Welcome to ashane14.blogspot.com
medyo busy ako. :DY
Tuesday, February 26, 2008

Dahil hindi kami nakapagpasa ng resume kahapon sa KFC ni Reynan, kanina na lang kami nagpasa ni Imari. Kamusta naman yun naghilian pa kami kung sino ang magbabayad ng folder kanina sa Rona's. Haha. Halagang 4.50 nagmuka kaming ewan. Lamang pa siya saken ng 25cents dahil P5.00 ang binayad ko sa counter tapos di na ako sinuklian. xp
Sa p.e class namin, medyo nag--iimprove na ko sa pagswimming. Ansaya! :) After ng swimming, dahil malamig ang panahon at umaambon-ambon pa, pumunta kami sa pag-asa, sa mamihan dun. Naglakad lang kami kaya naulanan kami pero balewala lang ang ulan samin. Haha. Ansaya maligo sa ulan. Pag dating sa mamihan, hindi naman mami in-order ko kundi burger. Para kasing hindi ako mabubusog sa mami pero as in masarap yun kahit kanina ko lang natikman. After nun, nagpunta kami sa San Lorenzo Ruiz Parish dahil feast day ata ng simbahang yun ngayon at magsasayaw ang kaibigan ni Karla dun. Ngayon ko lang nalaman na may simbahan palang San Lorenzo dito sa Olongapo, kaya naman hindi ko pinalampas yung pagkakataong magdasal kahit sandali lang sa simbahang yon. May nakapagsabi kasi saken one time na kapag first time mong makapunta sa isang simbahan at nagdasal ka, matutupad yung dinasal mo sa Kanya. Hindi ko alam kung mali interpretasyon ko o kung totoo yun. Basta nagdasal na lang ako, wala namang mawawala e. May kaibigan si Karla na bakla na nakilala ko run, para siyang si Jason na HS friend ko. Hindi rin namin napanuod magsayaw yung friend ni Karla dahil marami pa kaming gagawin kaya yon, umuwi na rin kami.
Pakarami kong gagawin. Pero, sinisipag akong mag-update kaya eto.
Mga gagawin ko:
2 term paper. Sa English, tapos ko na lahat ang kulang na lang ay yung list of terms ng topic ko. Hindi ko alam kung bukas na ipapasa yun o sa friday pa. Sa Filipino, 7 na yellow pad ita-type ko sa computer. May naumpisahan na ako kaya 6 yellow pad na lang.
1 report. Sa PhilHistory, tapos ko naman na kaninang ibuod yung napuntang report ko dito at bukas ibibigay na namin sa classmate namin para ayusin na niya sa powerpoint. Ako ang leader ng grupo namin. Sa saturday pa naman kami magre-report pero gusto ko nang matapos kaagad para hindi kami mag-cramming.
3 project. Sa HDE, isang outstanding filipino na related sa course namin ang kailangan naming kalkalin ang buhay. Sa March 16 pa naman ang pasahan nito pero kailangan kong magawa na kaagad dahil malapit-lapit na rin ang finals. Sa, PhilHistory, yung dollor rate araw-araw simula nung Feb. 10 hanggang sa finals kailangan naming ipa-photocopy. Sa finals pa rin naman ang pasahan nito. Sa Theology, limang parables na matatagpuan sa gospel. Marami ring kaechosan na gagawin dito. Sa march 6 na ang pasahan nito.
Yung resume pa ni Daisy kailangan kong gawin ngayon dahil pinipilit niya akong gawin yun kanina. Napilit naman niya ako kahit marami akong gagawin. Haays.. Yung profile ni Hazel, noon pa niya pinapaayos sa ken ang fs niya, pero dahil busy nga ako ngayon, hindi ko pa maharap yang mga ganyang bagay. Yung fs naman ni Melvin na bago na pinagawa niya sa ken dahil may nang-hack ng last fs niya, gawa ko naman na to. Bahala na siya mag-asikaso nun. Marami pa rin akong gagawin pero, mga ka-echos-an ko lang yun.
So ayan na nga ang mga gagawin ko. Sa ngayon, gagawin ko muna yung term paper ko sa english at yung resume ni Daisy.

Labels: , , ,


ends at 10:25 PM

0 comments
Looking for a job.Y
Monday, February 25, 2008

Kanina, hindi dapat ako aalis dahil inaatake na naman ako ng katamaran. Mas masarap kasing matulog. Pero, inisip kong gusto ko talagang ma-try magtrabaho kaya yun.. tumuloy na ako sa lakad ko. Mag-aaply kami ng trabaho ni Reynan, HS friend ko. Sinundo ko muna siya sa bahay nila, nadatnan ko pang natutulog ang mokong. Nakaalis kami ng bahay nila ng mga bandang 3:30pm. Nagpa-2x2 picture muna kami, dahil sa dami ng tao, alasais pa raw makukuha yung picture. Kaya nagpaprint muna kami. Nakita pa namin sila Giselle, Clinton at yung Jm na tropa nila, si Camille at Rocel na nag-iinternet at si Vincent na tropa ni Reynan. Nagkalat ang mga kabatch namin sa paligid.
Pinaphotocopy ko na lang yung resume ko para marami. Sa dami ng napuntahan naming xerox machine, wala akong nagustuhang photocopy nila. Ang nipis kasi ng mga coupon bond at yung ink, medyo malabo. Dapat daw kasi malinis ang resume kaya yun, nakaabot kami sa tapat ng munisipyo para maghanap ng magandang xerox machine.
Nang nakuha namin yung 2x2 pic ko, diretso na dapat kami sa KFC para magpasa ng resume, kaso nahiya kami kaya sa Dunkin na lang kami nakapagpasa. Dahil hindi alam ng mga kasama ko dito sa bahay na nag-aaply ako ng trabaho, iniwan ko lahat kay Reynan yung mga resume ko.
After 2 weeks, magte-text na lang daw sila kung iinterviewhin na kami. Sana naman matanggap ako kahit 16 years pa lang ako.

Labels:


ends at 9:06 PM

0 comments
Youth CampY
Saturday, February 23, 2008

Alas-siete ang napag-usapan naming oras ng pagkikita-kita sa kings. Pakalalaki ng mga bag namin, akala mo maglalayas. Dumating kami sa barreto gym ng mga 8.30. Hindi namin kasama si Marj kasi kung hihintayin namin siya, anong oras na kami makakaalis sa tagpuan. Nang dumating si Marj, galit siya. Pero di rin nagtagal, pinansin niya rin kami.
Nagsimula ang lahat sa talumpati ni sir Madriaga. Pakahaba. Nang mga oras na yon, halos lahat kami niaantok. May stolen shot kami. Halatang antok na antok na ko. Hehe.Mga bandang 11 na siya natapos. Inuna muna naming ayusin ang higaan namin saka nag-lunch. Dahil walang tubig ng mga panahong yun sa comfort room, nakaabot pa kami sa c.r sa loob ng school para lang magtooth brush. Haha.
Mga 2pm. Naggrupo-grupo kami. Eto ang grupo ng group 1. Nung una, hindi talaga ako nagsasalita. Halos mga taga-block B mga ka-group ko at ang iba, mga highers years na. Iba-iba kami ng course. Buong maghapon nilaan namin ang oras namin sa pag-iisip ng pangalan ng group, poster ng group namin, yells at cheering. Mga bandang 4 na kami natapos. Syempre hindi mawawala ang merienda. Isang pirasong tinapay at juice. Bitin na bitin kaming lahat.

[sa bandang kaliwa kami]
Mga bandang 5.30. Si sir Larafoster naman ang namuno samin. As usual, sayaw na may kumpas-kumpas ng kamay ang pinagawa samin. Habang busy siya sa pagsasalita sa harap, busy rin kaming kadadaldal. Haha. Nakakaawa ang pinanuod niya sa aming dokumentaryo. Pinakita sa videong yon kung paano mag-abort ng sanggol. Shet. Nakakaawa yung mga fetus!

Mga 8.30 na kami nakapag-dinner. Halos gutom na ang lahat. Kanin with adobo. Saging with juice.
Mga bandang 10 nag-umpisa ang camp fire. Sampung grupo ang maglalaban-laban at unang-una kami. Grabe, nangapa-ngapa na lang kami ng steps. Haha. Hindi ko na lam kung anong oras nag-umpisa ang pageant night. Hindi mga babae ang naglaban-laban kundi mga barakong lalaki. Ang gaganda nila. Haha. Hindi ko na inalam kung sino ang nanalo. Mga bandang 2 ng madaling araw na kami nakatulog.
Mga bandang alasais, kahit ayaw ko pang bumangon ay ginising na kami. Hindi pwedeng kukupad-kupad dahil leadership camp yon. Haay..

Pakasaya ng mga pinagawang aktibidades samin.
Yung catterpillar walk na kasumpa-sumpa. Hangsakit sa paa! Pakaganda ng mga paa namin nun, namumuti sa alikabok. Haha.
Yung butterfly ewan. Grabe, kawawa kaming mapayat sa mga matataba naming ka-group. Tawa kami ng tawa sa challenge na to kaya nakakapanghina lalo. Haha.
Yung longest game na halos lahat tinanggal na. Yung tali ng jogging pants ko at yung jogging pants ko mismo. Buti na lang may pantakip, anlaki ng tulong ng sapin sa bedings. Haha.
Yung spider web na isa sa paborito ko. Ako ang ginamit para sa trial. Ansarap ng feeling kapag binubuhat. Feeling ko nasa kama lang ako. Haha.
Yung water relay na pinakamadali sa lahat. Tatakpan lang lahat ng butas ng timba at dapat hindi bababa yung tubig sa linya timba hanggang sa finish line.

Yung trust fall na pinakapeyborit ko sa lahat. Ako pa rin ang ginamit para sa trial. Nakatatlong beses ako dito. Haha.

Yung commando crawl na puro putik na may konting damo ang gagapangan mo.


Mga di ko malilimutan:
Halos dalawang araw lowbat ang cp ko dahil sa virus. Lintek.
Nawala yung sim ni Amanda. Hahaha.
Yung pagtakas sa activity para lang makaligo.
Yung mga itsura naming madudungis at pawis dahil sa mga activity.
Yung pagkain namin sa bleacher at sa higaan.
Yung mga langgam sa pader. Hehe
Yung manggang tinda sa kanto.
Yung harutan sa higaan.
Yung mga taong nakilala ko dahil sa youth camp.
Waah. Ansaya.
Mga 2pm kami pinauwi. Parang mga balik-bayan kaming lahat sa dami ng bitbit. Pag-uwi ko dito sa bahay, parang ang tagal kong nawala kahit na 2days at 1 night lang naman. Nag-iba ang ayos nga bahay namin. Hindi pa man nakakabihis, nakaupo na kaming magkaklase sa computer. Haha. Naligo lang ako at kumain tapos umalis ulit. Syempre may band competition sa school namin kaya manunuod ako. Wala raw kaming kapaguran. Haha. Tingnan ko lang bukas kung di sumakit katawan ko.

Labels: ,


ends at 5:00 PM

0 comments
Randoms.Y
Thursday, February 21, 2008

Kahapon[02.20.08] Ako ang nagbasa ng gospel of the day sa english, grabe, sinaulo ko ang summary ng gospel na binasa ko pero nung nasa harapan na ko hindi ko na maalala. At dahil tinamad akong gumawa ng assignment, isa lang ang naipasa kong example. At.. mali pa. Nakakahiya na nakakatawa. Haha.
Botohan ng mga bagong officers para sa IDCC, e tinamad rin kaming pumunta sa convery hall, kaya yon... hindi kami nakaboto. Yun lang.

Ngayon. Kaasar. Ayaw lumbas ng browse files sa friendster, di tuloy ako makapag-upload. Hmp. Naadik na ko sa pag-edit ng mga picture. Kasalukuyan ko ring pinapag-aralan kung paano maghide ng mga ek ek sa friendster. Woo. matututo rin ako.

Bukas. Youth camp na, imbes na excitement ang nararamdaman ko, kinakabahan ako. Hindi ko lam pero ganun e. Maya-maya na ako mag-iimpake. Haha. Parang maglalayas na ko sa dami ng dadalhin. Tsk.

Labels: , , ,


ends at 3:47 PM

0 comments
okei.Y
Tuesday, February 19, 2008

Sinisipag na naman ako. Kaya eto, magkwekwento na naman ako.

Nung saturday, [02.16.08] malamang NSTP, tinimbang namin ang mga bata sa mactan, bahagi pa rin ng feeding program. Grabe, ang kukulit nila. Malamang bata yon. At.. at.. ang dudungis. ^^ Pero, nakakatuwa naman kasi ang iba sa kanila, cute! Pipicturan ko sana yung isang batang cute kaso nakatingin yung nanay niya. Kaya yon.. Hehe.


Kahapon naman, birthday ng classmate ko, si Amanda. Dahil birthday niya, nangtreat siya sa Sam’s pizza. Monday na monday gumigimik kame. Ansaya kahit wala yung iba. Panay hiyawan, pakakulit kasi ng mga lalakwe. Pinakanta namin si Clifford, kumanta naman siya sa stage pero bago yon, hindi namin akalaing kakanta rin si Ryan. I’ll be ang kinanata nila. Nakakatuwa na nakakahiya. Haha. Pero ang saya. Kumanta rin si Marjorie at ang taga-gitara ay si Krixie. Mahina ang boses ni Marj pero maganda naman. Dalawang kanta ang kinanta niya, Para Sa’yo ni Aiza at yung isa nalimutan ko na.

Kanina naman, dahil meron ako ngayong araw na to, hindi ako nakapagswimming. Nakakainggit manuod sa mga classmate mo. Sayang ang 100 points.

ends at 8:09 PM

0 comments
Happy <3 day! =DY
Thursday, February 14, 2008

February 3. Ang saya mag-ukay-ukay! Haha. Katuwa!
---
Photobucket
Photobucket
Photobucket

Happy Valentines day!!
Pambungad saken ng mga ka-block ko kanina yan. Grabe, ang daming lovers na naglilitawan ngayon. Malamang. :D

Sa mga may date...
Sana maging masaya kayo ngayong araw na to.
Mag-ingat sa mga ka-date niyo. Haha.

Sinong pwedeng ka-date diyan?
Pakitaas ang wallet. Haha. joke.
Mabuhay kaming mga singols! X)

ends at 1:13 PM

0 comments
na-miss ko ang mag-blog. :]Y
Tuesday, February 12, 2008

Ilang days na rin akong walang entry. Medyo busy kasi. Pero salamat tapos na ang midterm..[ai yung sa HDE pa pala sa monday]at tapos na ang project naming newspaper clippings sa Philippine History. Halos kilala ko na ang mga pangalang nasasangkot sa ZTE scandal na yan, kung hindi lang kasama sa exam yang mga balitang pambansa, di ako magbabasa-basa ng dyaryo eh. At matatapos ko na rin ang research ko sa Filipino. Ngayon lang talaga nagkaroon ng silbi saken ang english-tagalog na dictionary namin.


February 6. Nagsimula ang midterm.
Nagcramming na naman ako sa paggawa ng mga example ng figure of speech sa english. haha.
Ansaya mag-group chat kapag kayo-kayong magkakakilala lang. Ang kukulit.

February 9. May parade kami sa NSTP, pero dahil hindi ako nagising ng maaga, hindi ako nakasama sa parade.
Nakakabagot panuorin ang program sa convery hall kaya tumakas na lang kaming magkaklase. Buti't di kami nahuli ng titser.
Ito ang date kung kailan naging mag-on ang friend ko at yung girl na 4 days pa lang niya nakilala. Biglaan. Pero, sana magtagal sila.

February 10. Maghapon lang akong nanatili sa bahay.
Napaginipan ko yung crush ko sa kabilang block na nakipagkilala raw siya sa ken. Haha. Katuwa! pero panaginip lang yon.

February 11. Nakasabay ko sa jeep ang isa kong classmate sa english na crush ni Imari. Dahil nahihiya akong pansinin siya, minabuti ko na lang na talikuran siya sa jeep. Hehe.

Ngayon, midterm sa p.e. Katuwa dahil nalangoy ko ang dulo sa dulo ng swimming pool, hindi ko na kayang abutin ang 5ft. Kaasar. Salamat na lang sa tulong ng mga boys.
Dahil special ang araw na ito kay Hazel, nang-treat siya sa tambayan ng block namin, engeneroz.
Dahil nadalaw ko na tong blog na to, oras na para gumawa ng aking autobiography. Hindi sana ako antukin.

ends at 7:04 PM

0 comments
Ano na nga ba yon?Y
Monday, February 4, 2008

Kani- kanina nasa mood na akong gumawa ng research ko sa filipino, pero dahil medyo nalibang muna akong makinig ng music, nalimutan ko na kung ano yung dapat kong isusulat. Kaya habang iniisip ko kung ano yung iniisip ko kani- kanina lang, magkekembotz kembotz muna ako sa blog. Pakaraming gagawin, hindi ko alam kung anong uunahin. Sasabog na ata ulo ko. weh. oa. Haha.
Nag-cramming na naman ako kanina sa english, kakambal ko na yata yun. waa hindi maaari. Pesteng mga assignments at requirements na yan. Nagpapahirap sa mga estudyanteng katulad ko. Weh. Haha.
So ayun na nga, take care. Haha. Wala nang masabi si ako. :)

ends at 10:34 PM

0 comments
...Y
Sunday, February 3, 2008

Natatawa na lagi ako kapag sumasakay ako sa jeep lalo na pag isa ko lang, lagi ko kasing naalala yung nangyari sa jeep na sinasakyan ko kahapon ng tanghali. Haha. Nahulog ng isang lalaking pasahero yung bintana ng jeep, e tatlo lang kaming pasahero ng jeep nun, kaya ayun, super pigil ako ng tawa nun, gustong-gusto kong tumawa ng malakas pero nakakahiya. Haha. Hindi ko malilimutan yung pangyayaring yun.


Grabe ang nangyari kagabi, pumunta kami sa naysplace malapit sa school namin, paka nice nga ng place na yon, as in grabe super! Haha. Nakita namin ang mga klaklase kong tatahi-tahimik sa room na naglalasing. Kagulat sila infairness. Di ko talaga malilimutan yun. Bakit kasi may mga babaing nagpapakalasing dahil sa lalaki. Weh. Sana lang di ko gawin yun pagdating ng araw. Hindi ko gagawin yun, talaga.

ends at 10:43 PM

0 comments
...Y
Friday, February 1, 2008

Hindi ko alam kung naiinis ako o natutuwa sa mga oras na to. Ang kulit kasi ng mga kapatid ko. Mga siga dito sa bahay. Si kuya, halos hindi na ako makaupo dito sa computer dahil sa pesteng assignment niya, ang AutoCAD, syempre kailangan niya matapos yun at mapag-aralan kaya sige, bahala siya. Tapos yung isa ko namang kapatid, napakasungit. Sarap umbagin. Hehe. Pero, hindi ako papayag na sirain nila ang gabi ko. Smile shane, smile! :)

Kanina sa english, may bago kaming klasmeyt. English spoken, kana at ang height? Jusme, pakatangkad! Grabe ah.. midterm na tapos may bago pa rin kaming klasmeyt. Siguro kapupunta pa lang niya dito sa pinas. Pero kung anu man ang dahilan kung bakit siya nandito sa Pinas, okei lang naman ang dating niya sa min dahil ngayon, may stateside na kaming klasmeyt. Haha. Pero ewan, sit-in lang yata yun.

Pa-easy-easy na naman ako ngayon, akala ko kasi bukas na ang pasahan ng news paper clippings namin sa history, pero sa Feb. 9 pa pala. Kaya eto, maaga akong matutulog. Anong konek? wula lang. Hehe. pero, oo hindi na maaga to, dahil mag-aalasdose na. Kaya, good night.

ends at 10:40 PM

0 comments