Kahit na magta type pa ako para sa report namin bukas, uunahin ko muna mag update dito dahil ilang araw na rin akong hindi nakakapag-post.
Jan. 8. Mga bandang 6pm. Nanunuod ako ng tv nang nagvibrate ng nagvibrate yung cell phone ko. Hindi ko pinapansin nung una dahil tinatamad akong kuhanin sa mesa yung cell phone ko. Nung pinaabot ko sa pinsan ko at nabasa ko ang mga texts messages, bigla na lang akong napapunta sa kwarto, napaluha. Wala na raw ang isa kong kabarkada, si Rachelle. Nakakabigla na nakakagulat. Bakit ang bilis? 2 days pa lang siya sa hospital, hindi man lang namin siya nadalaw. Napakabata pa niya para kunin. Pero, siguro ganun nga talaga ang buhay.
Jan.9. Pagtapos pumunta nilang makiramay, dahil malapit lang ang dalluay sa bahay namin, naisipan ng mga kabarkada kong tumambay dito sa bahay. Mag aalasdose na ayaw pa nilang lumayas dito sa pamamahay namin. hehe. Madaling araw na ang iingay pa namin. Akala mo walang mga natutulog na kapitbahay. Ala una na ng umaga nang sila'y umuwi. Parang dinaanan ng bagyo bahay namin, pakagulo. Syempre naglinis-linis muna ako kaya 2am na ako nakatulog. Ang epekto ng pagpupuyat? Hindi ako nakapasok ng 1st subject. Theology pa naman yun. At 2 absent na lang yata, yari na ako sa titser ko.
Jan.10. Ang daming may kaarawan ng araw na yan. Si casey, classmate ko ng 4th yr. Si grace, ang dating management na ngayon ay nursing na. At si Andrea, ang barkada ko sa insane people. Cenelebrate ni Andrea ang bday niya sa bahay nila. Mag aalauna na rin ng madaling araw ako,kami nakauwi, napapadalas ang paggagala ko at pagpupuyat kahit na may pasok. Nakakamiss lang kasi ang mga kaibigan mo ng HS. Nang pauwi na kami, ang hirap sumakay dahil walang dumadaang jeep, ilang minuto rin yata kaming nakatayo dun sa may kanto at naghihintay ng masasakyan. Ganun nga talaga siguro sa Cabalan
kapag madaling araw. Nang kami'y makasakay, halos puro lalaki ang mga nakasakay namin. Nakakatawa. Dahil nung pababa na kami, biglang sinabi nung isang lalaking walang itsura na crush niya daw yung unang sumakay sa jeep na yon, yung naka red na damit. Nagulat na lang ako dahil alam naming ako yung tinutukoy. Hanggang sa sakayan yata ng red na jeep parang sumusunod sila sa min, kaya tuloy ang bilis kong maglakad dahil natatakot ako sa kanila kahit wala naman dapat ikatakot. Ang saya ng araw/gabing yon. Nang pag uwi ko, ayun, nayari ako sa ina ko.
Jan.11. Iyon ang huling lamay ni Rachelle. Parang halos 1/4 ng mga kabatch ko dumalaw sa lamay ni Rachelle, so parang may pagka reunion ang dating. Bigla akong naluha nang kinanta yung kantang Di Kita Malilimutan. Lalo na nung nasa linya nang.. Malilimutan ba ng ina ang anak na galing sa kanya? Ewan. Siguro nadala lang ng emosyon.
Jan.12. Araw na ng libing ni Rachelle. Lahat halos kami naka pink na damit. Yun kasi ang favorite color niya.
Nang hapong iyon, pagkatapos makipaglibing, dahil maaga aga pa, naisipan namin nila Joanna, Keisha at Camille na pumunta ng Doulos. Natatandaan ko, bata pa ako nang huling pumunta sa SBMA ang barkong yan. At siguro, nagtratrabaho na ako kapag pumunta ulit yang barkong yan dito sa 'Pinas. Nakakainis na ewan. Hindi ko alam. May mga lalaking nagpicture sa min ng stolen. Siguro nagagandahan lang sila sa min ni Keisha nung mga oras na yon. Haha. Tiningnan na lang namin sila ng masama, nahalata yata nilang nairita kami sa ginawa nila kaya bigla silang lumayo.
Jan. 13. Kahapon. Sunday lang ang araw na nakakapagpahinga ako. Pero kahapon, ewan, parang di rin ako nakapagpahinga. Pakaraming assignment. Nanlulumo ako kapag naiisip kong hindi pa ako tapos sa term peper ko. Kung dati rati nakakapagsimba pa ako, ngayon hindi ko na nagagawa dahil sa dami ng gawain. [Happy Birthday, Bernard]
Jan. 14. Ngayon. Hindi ko nagawa dito ang iba kong assignment kaya sa school na ako nakagawa. Cramming ang nangyari sa ming lahat kanina dahil halos kami sa school gumawa. Ayoko na maulit yon, sana wag na.
Ayoko na mag p.e class. Kahit once a week lang yon. Swimming na kasi kami at ayoko mag swimming. Una, ang daming bitbitin. Tuwalya, damit pampaligo, etc. Hindi pa naman ako umuuwi ng tanghali minsan dahil 3o minutes lang ang lunch break namin. Jusko, ang dami ko talagang bibitbitin kapag araw ng monday. Pangalawa, pagkatapos ng p.e class, may klase pa ako, 3o mins. lang ang vacant then klase na naman. Edi paspasang bihisan yun ng uniform. Makupad pa naman akong kumilos. Haay basta.. bahala na si batman. Pag aaralan kong maging mabilis kumilos. Pero sure ako, lagi akong malilate sa klase ko pagtapos ng p.e.