Lakad dito, lakad dun. Tatlo lang ang pumasok na prof sa'min ngayong week na to. Pakasipag. Oo na di pa regular class. K. Kaya naman pagala-gala kaming magkaklase. Kahit na half-day lang ang klase ko, anong oras na rin ako nakakauwi. Medyo pagod at wala na ring time minsan kaya bihira na lang makapagblog.
Wimpy's o Jolibee. May mga nabago ngayon sa school. Isa na dun ang canteen na bagong pintura. Kulay orange ba naman kaya sabi nila para kang nasa Wimpy's o Jolibee kapag pumasok ka. May mga echos na rin silang pinapatupad. Bago ka makabili kailangan mo muna ipapalit ang pera mo ng chits. Sows. Bumili lang ako ng c2 at mentos, may resibo pa.
Unexpected. Nagkasalubong kami ni kuwan. Akalain ko yun, marunong naman pala siyang mamansin.
Nihon. Magiging favorite subject ko siguro to. Ang cute kasi ng ibang word kahit na nakakabuyoy yung iba. May assignment nga kami agad eh. Alamin ang mga dasal tulad ng Glory Be, Our Father, Hail Mary at Sign of the Cross sa Japanese. Akala ko pakahirap hanapin nun, dali lang pala basta may internet. Hinding-hindi ako magpapa-late sa subject na to. May password kasi bago makapasok sa room pag late ka. Minasan Ohayo Gozaimasu Okurete Gomen Nasai. Ang haba.
Kung anu-anong pinagsasabi ko. Sagutan ko na lang yung tag galing kay Casoi.
You share 8 things that your readers don't know about you. Then at the end, you tag 8 other bloggers to keep the fun going.
* Each blogger must post these rules first.
* Each blogger starts with eight random facts/habits about themselves.
* Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their eight things and post these rules.
* At the end of your blog, you need to choose eight people to get tagged and list their names.
* Don't forget to leave them a comment telling them that they're tagged, and to read your blog. Here it comes...
1. Maselan ako sa pagkain. Ayoko ng carrots at kamatis. (Yung luto lang pero yung hilaw niyan kumakain naman ako.) Pati ng tokwa, bawang, sibuyas, luya, mushroom at okra.
2. May kilala akong poser sa friendster. Close kami kaya nakwekwento niya sa'kin. May dahilan naman siya kaya niya nagawa/ginagawa yun. Pero oo masama pa rin yun. Tandaan niya na lang ang salitang karma.
3. Sa mother side, sa'ming magpipinsan na babae, ako ang pangatlo sa pinakamatanda. Yung dalawang nauna sa'ken biglang nag-asawa nung college sila. Kaya nga natatakot parents ko na baka gawin ko rin yun. Pero, haller?!?!? Ayoko pa nga magboypren tapos asawa na agad?.. Sows.
4. Ayokong naririnig ang pag-meoww meoww ng pusa. Wala lang. May naalala kasi ako eh. Creepy.
5. Nung bata ako, ayaw na ayaw ko ang hotdog na may cheese. Ewan ko ba sa sarili ko. Pero ngayon isa na yon sa mga peyborit food ko.
6. Marami akong pinangarap maging. Tulad ng, maging professional photographer, pianist, dentist, model, swimmer, techer ng mga kinder, at maging mayaman. (Ahe. Lahat naman yata nangarap nun?..) At marami pang iba.
7. Mahilig akong magbigay ng letter. Lalo na nung HS. Wala lang. Para lahat ng gusto kong sabihin masabi ko.
8. Di ko feel ang magpahaba ng kuko. Wala lang di kasi ako mapakali pag mahaba na.
Ta-tag ko sila:
Karla
Alyssa
Bettina
Jamie
Krisel
Rej
Vea
**
---
BTW, Happy Father's Day sa lahat ng tatay sa mundo! :)