Orayt. Nadalaw ko rin tong blog na to. Ngayon lang kasi nagkaroon ng time. Ngayong week na to kasi pakarami kong ginawa. Busy masyado.
Na-meet na namin lahat ng prof namin except sa isang subject. May peyborit na agad akong prof. Ang galing kasi magsalita. Hindi nakakaboring. Yung isa naman, pa-assignment nang pa-assignment. Muntaeh. Haha.
Natutuwa naman ako sa Nihongo subject. Wala lang. Pinag-aaralan na kasi namin kung paano magsulat sa Japanese. May ganun ganun. Asheinu yata pangalan ko pag sa Japan. Ah ewan.
Inis! Classmate daw ng mga classmate ko yung gusto kong maging classmate. Eh na-closan ako ng subject na yun, kaya ayun, malas. Pero okay na rin, pero ewan. Gulo ko. Hehe.
Habang nag-uupdate ako dito, yung dalawa kong kapatid naghaharutan. Peste pakakulit talaga pag mga lalaki kasama mo sa bahay. Ang haharot. Kairita.
Sige pala, blog-hopping muna. :)