Kamusta naman ang first day of school ko na parang wala lang. Kinabahan pa ko dahil akala ko late na ko sa first subject ko, pero buti naman hindi. Pag dating ko ng room medyo nasuprise ako. Akala ko kasi nagtransfer na ng GC yung isa sa pinakaclose kong tao sa school, pero yun pala hindi. Nagtago pa siya sa likod ng pinto nung pumasok na ko. Nagmukha pa kong ewan nung nagpakita na siya dahil akala ko dinadalaw niya lang kami. Medyo late ko na nalaman na hindi na pala siya natuloy sa paglipat. Langyang yun. Nagdrama pa ko kagabi dahil nga alam ko na aalis na siya tapos ganun. Pero ayos din na hindi na siya lumipat para sama-sama pa rin kami.
Nakakaewan ang mga prof. Walang sumipot kahit isa. Nauwi tuloy sa paglilibot at pagtambay ang lahat. Hindi pa naman regular class kaya sige, bahala sila.
Bukas maaga na naman ang gising. Back to normal na naman.