Kamusta naman yun?! Sira yung computer namin. Nag-over heat. Kaya eto, dito ako sa internet shop nag-iinternet. May topak kasi yung fan ng cpu kaya ayun. Mga adeek kasi sa DoTA mga kapatid ko ai. Maghapon magdamag bukas. Sana naman magawa na agad yun. Sana talaga magkaroon na ko ng sariling computer, yung laptap para masaya. Hehe. Asar natigil tuloy lahat ng bussiness ko sa internet. So, bussiness talaga? Hehe. Kahit naman walang internet, hindi naman ako masyadong nainip dahil nasa bahay ang mga pinsan ko para aliwin kami. Kapag walang magawa, naglalaro na lang kami ng baraha. Katamad rin naman kasi gumala dahil umuulan-ulan. Asar ha, hindi ako matuto-tuto ng pusoy. Haha. Nung isang gabi at kagabi na lang ulit ako nakapaglaro ng baraha, lagi pa akong talo sa 123 pass. Natadtad tuloy ng pulbos ang mukha ko at namula ang mga kamay ko sa mga pitik nilang malalakas at malulutong. Grabe. Pero enjoy naman kahit ganun. Kainis yung isa kong 2nd cousin, hindi ko akalaing ganun na siya kagwapo. Hihi. Bakit kasi naging pinsan ko pa ai. Haays.. Tatanggapin ko na lang ang katotohanang yun. Wala naman akong magagawa e. Haha
Oh xa, dito na lang muna. Hanggang sa muli. GB. :)