Kagabi napansin ko hindi ko pa pala nabubura mga message sa inbox ng cp ko na mahigit 500 na. Katamaran e. Ima-mark all na lang at ide-delete hindi ko pa magawa. Hehe. Nasabi ko sa classmate ko yun na si Amanda, ganun rin pala siya at mas malala pa nga. Inabot daw ng 1,500 ang inbox niya bago niya denelete. Napagtripan namin na ibi-break ko ang record niyang yun, hindi ako magbubura ng message hanggang sa maging 1,514 o higit pa. Haha. Kalokohan e nu.