Hays.. Ang dami kong gustong gawin pero 'di ko alam kung anong uunahin ko. Parang gusto kong hatiin sa tatlo ang katawan at isip ko para magawa lahat ng gusto ko. Pero dahil hindi naman pwede yon, iisa-isahin ko na lang. Tutal mahaba pa naman ang bakasyon at marami pa akong oras para sa mga kaechosan ko sa buhay.
Tumingin-tingin ako ng mga layouts sa blogskins kanina at ang dami kong nakitang magaganda, cute at unique. Nakakatuwa ang mga gawa nila. Sa dami ng nagustuhan ko, wala pa akong napili. Di ko pa rin alam kung paano umpisahan ayusin tong blog na to. Nag-iisip-isip pa lang kung anong pwedeng sabihin. Habang tumitingin-tingin, dumalaw-dalaw rin ako sa blog ng iba, pero dahil wala pang ka-anu-ano tong blog ko, hindi muna ako nag-iiwan ng bakas sa mga blog nila na nanggaling ako dun. Nagbasabasa lang ako. Para saken, tama sila, walang pakielamanan sa blog ng may blog, kung anong gusto nilang sabihin, sasabihin nila. Tama naman yon dahil pagmamay-ari nila yun. Buti na lang talaga nauso ang blogging, ang laking tulong nito para masabi mo lahat ng gusto mong sabihin.
May usapan dapat kaming magkaka-klase ngayon na magkikita-kita, kaso ayun, dinapuan ako ng katamaran kaya hindi ako pumunta. Tutal din naman alam nila na 'di pa ko sure na makakasama sa binabalak nilang outing.