Tinext lang ako ng kaibigan ko kung gusto ko raw bang sumama sa kanya, mag-aapply raw sa isang fast food. E wala naman akong ginagawa dito sa bahay kaya sige, go. Binuksan ko ang computer para gumawa ng resume, kaso ayun nung nabuksan ko na nawala sa isip ko na gumawa non, nawili akong makipag-chikahan sa mga classmate ko sa ym. Nang pahiga na ko, dun ko lang naalala na gagawa nga pala ako ng resume, dahil nakahiga na ko, hinayaan ko na, sinabi ko na lang na bahala na si batman bukas.
Kanina, akala mo talagang interesado akong magtrabaho, ang aga ko kasi nagising para syempre hindi ma-late sa exam. Bumuli na lang ako ng bio-data, sinulatan, dinikit ang 2x2 picture then pinasa. Nasabi ko sa sarili ko na magsasayang na naman ako ng 2x2 picture ko. Hehe.
Dahil maraming taong gustong magkatrabaho, pumunta na kami sa harapan para pag pinapila, hindi kami mapunta sa likod. Kaya ayun, maaga kami natapos mag-exam. Grabe, nakaka-time pressure, Parang yung 5 minutes, naging 3 minutes. Pakabilis ng oras. After lunch pa raw malalaman yung result ng exam, kaya ayun, naglibot-libot muna kami. Pakainit ng mga oras na yon, tanghaling tapat ba naman e. After maglibot-libot, bumalik na kami para tingnan yung result, ewan ko ba, wala naman talaga akong balak magtrabaho, ang gusto ko lang ma-experience kung paano magtest, kabahan at ma-excite sa result kung pasado ba o hindi. Ang sabi mga bandang 1:00-1:30 ipo-post yung result, kaso filipino time nga naman, alastres na wala pa rin. Gusto niyong makita kung anong itsura namin habang naghihintay? Haha. Eto.
.jpg)
Pakainit na tapos pakalakas pa ng hangin. Walang upuan, kaya ayan. Parang mga kawawa lang. Haha. Out of 7, 6 kaming nakapasa sa exam. Sayang yung isa kong kasama, ako na lang sana yung hindi nakapasa kasi wala naman talaga akong balak magtrabaho. Pero ang sabi nila, ituloy ko pa rin daw dahil sayang naman yung pinunta ko dun. Tapos ayun na nga, interview na ang next. Hindi man ako nakakaramdam ng pagkakaba, yabang. E ganun e. 70 ang iinterview-hin, pinag-iisipan ko kung itutuloy ko pa ba kasi ang haba ng pila, pero ayun, tinuloy ko pa rin. Mga bandang alasais ako na-interview. Mga 5 minutes lang siguro kami nagchikahan nung manager dun. 7pm pa raw malalaman yung result kung nakapasa sa interview, dahil may 1 hour pa naman ako, umuwi muna ako sa bahay. Kinuwento ko sa mga tao dito sa bahay yung mga tinanong at sinabi ko sa manager nung ininterview ako, ayun nagsitawanan sila. Hindi raw kasi ako marunong magsinungaling kahit konti, weh. Haha.
So ayun nga, bumalik kami ng mga kasama ko dun ng 7pm. Dun lang ako kinabahan. Haha. Out of 70 na nakapasa sa exam, mga 30 lang yata ang natanggap sa trabaho. Hindi ako nakuha, pero masaya pa rin ako dahil natanggap yung kasama ko. May umepal ngang isang crew dun, bat daw ang saya ko e di naman ako natanggap. Pakielamero yun, di ko nga pinansin. Hehe.
Congratz, imari. :)
Labels: job interview