My heart has a mind of its own.Y
Wednesday, April 23, 2008
Ilang araw rin akong hindi nakapag-update. Nagkaproblema kasi yung internet connection namin. Pero ngayon maayos naman na. Wala naman masyadong nangyari sa'ken nitong mga nakaraang araw. Paulit-ulit lang akong umaalis ng bahay tuwing 6pm para mag-exercise. Nakakasawa. May kantang hindi maalis-alis sa utak ko magmula 'nung nakaraang araw pa e. My heart has a mind of its own ni Christian Bautista. Napakinggan ko lang siya tapos ayun, hindi ko namamalayan kinakanta ko na pala. Pakinggan niyo na lang kung di niyo pa napakinggan, hindi ko ma-upload e. :)
---
PBB hair style.
Natutuwa ako sa mga hair style ngayon ng mga boys sa PBB. Ang kukulet kahit mukhang xunga. Haha. Ma-try nga ang ganung hair style. Haha. x)
ends at 1:36 PM