<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/2637413228050757705?origin\x3dhttp://ashane14.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g? targetBlogID=3054107564476057249&blogName=url.blogspot.com&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSI C&homepageUrl=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Welcome to ashane14.blogspot.com
Y
Sunday, March 30, 2008

Justice reunion. Muntik pa akong hindi makasama sa outing ng section ko nung 4th year, samu't saring sermon muna kasi ang natanggap ko mula sa ina ko bago ako makaaalis ng bahay. Pinapauwi ako ng maaga dahil ako ang kasama niya sa recognition ng kapatid ko. Bat pa kasi natapat pa sa araw na yun e. Napauwi tuloy ako ng wala sa oras, 4pm pa lang umalis na ko sa grasshut. Pero ayus na yun atleast nakapunta ako.

NSTP graduation. Alastres ang usapan pero ayun, anong oras na kami nakarating sa simbahan. Simple lang ang ayos ko nung araw na yon, parang may trabaho na raw ako dahil sa damit ko. Parang laro-laro lang ang graduation na yon, walang practice, hindi alam kung saan kami pupwesto, tapos hindi totoong diploma ang binigay samin kundi coupon bond na nakaribon. Hindi pa ako nasayahan sa pinakita nilang mga stolen shots sa projector dahil hindi ko man lang nakita ang mukha ko dun. Nakakainis pa kasi haggard na ang itsura ko nun nung nagkakita kami ni smiley. Haha. Kainis. Sana di ko na lang siya nakita. Pero okay na rin na nakita ko siya dahil baka sa enrollment ko na lang ulit makita yun. Natapos ang lahat..

Labels: , ,


ends at 7:06 PM

0 comments
Y
Tuesday, March 25, 2008

HOLY WEEK. Sa mga panahong yan, nandito lang ako sa bahay namin. Hindi ako umalis ng bahay. Kainis kasi e, hindi ako pinayagan ng aking ina, pupunta kasi kami dapat magkakaklase sa bahay ng classmate ko na taga- Castillejos para dun manuod ng pinitensiya, e kaso hindi ako pinayagan. Kaya yon, taong-bahay ako. Mga ginawa ko nung mga panahong yan ay matulog, kumain, mag-computer, manuod ng t.v at magtext.

SMILEY. [Kung nabasa niyo yung previous post ko, sinabi ko dun kung sino tong taong to.]Grabe, katext ko siya nung isang araw[March 23, 2008], ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko't kung anu-anong pinagsasabi ko. Hehe. Ganito kasi yun, magkatext na nga kami diba, tapos yun naisipan kong itanong sa kanya kung gusto niyang kunin saken yung number ng classmate ko kasi feeling ko may crush siya dun, tapos ayun na nga binigay ko, tinanong ko ulit siya kung crush niya ba yun tapos ang sagot niya hindi daw dahil ako naman daw talaga yung gusto niya tapos sabi ko 'panu ba yan e crush din kita e' tapos sabi niya 'di na?' tapos sabi ko'weh weh naniwala ka naman..'. Haha. Pero, alam kong trip-trip lang namin yan. Pero, ewan ko ba natutuwa ako sa kanya. Hihi.

March 24. Monday. Pumunta ako ng school kahit wala naman na akong gagawin dun dahil tapos na ko sa clearance ko, ginawa ko na lang dahilan sa mama ko na kukuha ako ng classcard. Pero sa totoo lang gusto ko lang makita yung mga classmate ko at makagala. Hindi pumunta ng school si smiley kaya hindi kami nagkakita, buti na lang wala siya.

May nalaman ako sa isa kong classmate, mahilig pala siyang gumawa ng kwento. Nagkakita kasi kami ng dati niyang manliligaw, tapos ayun nagkakwentuhan about sa kanya. Magkikita kasi dapat sila ng dati niyang manliligaw pero hindi siya sumipot sa usapan, walang pasabi, walang text. Tapos after 2 days, sabi niya sa dati niyang manliligaw na hiniram daw kasi ng classmate namin yung sim niya kaya hindi siya nakapagtext. Tapos nagtaka ako kasi ano namang gagawin ng classmate namin sa sim niya e may sari-sarili naman silang sim. Then ayun, tinanong ko sa classmate namin kung nanghiram ba siya ng sim dun sa classmate namin, ang sabi niya hindi naman daw. So, ayun, ginawa niya lang palang dahilan yung classmate namin para makaiwas sa kasalanan niya. Tapos eto pa, grabe ang hilig niya talaga gumawa ng kwento, nung minsan kasi magkakasama kaming magkakaibigan pero siya hindi namin kasama. Tinext siya ng isa naming kaibigan kung nasaan siya, ang sabi niya kasama niya yung 2 niyang bestfriend gumagala daw sila. Pero ang totoo pala nandun siya sa Bataan kasama yung 2 nanliligaw sa kanya at yung kaibigan naming lalaki at yung gf nito. Haay ewan, mahilig siyang gumamit ng tao for her own sake.

ends at 5:55 PM

1 comments
welcome back to me. hahaY
Monday, March 17, 2008

Pakatagal kong hindi nadalaw tong blog ko. Hindi ko tuloy alam kung paano ulit mag-umpisa magkwento. Basta kahapon, tinext ako ng isang guy na nakilala ko sa youth camp, at at.. sabi niya okei daw ako sa kanya. Tinanong ko siya kung ano ibig niyang sabihin.. at ang sagot niya.. gusto na daw niya ako.. Grabe.. bilis naman nun. Tapos kanina naman, grabe na to. Hehe. Yung crush ko sa school na ang code name namin ni Alena sa kanya ay smiley, bigla na lang din nagtext, grabe ah.. Bigla akong natorete kanina. Haha. Wala akong magawa ngayong bakasyon dito sa bahay, sabi nila magtrabaho na lang daw ako para di ako mainip, e nakakatamad kaya. Haha.


Kwento ko lang yung nangyari samin nung closing party namin sa mactan.
Yan ako at ang mga batang makukulit. Pakagulo niyan.

Eto naman ang mga ka-group ko. Group 1 lang.
L-R[ alena, marj, imari, kim, hazel, amanda, racel, ako, elay at djhay]Pauwi naman na kami ng mga oras na 'to. Pakainit niyan sobra. Ang kukulit ng mga kasama ku. Hehe
Kahit na naligo kami sa alikabok at kahit na pakainit dun sa Mactan, enjoy naman kasi kahit papano napasaya namin yung mga bata dun at nakatulong kami. Ngayon, iniisip ko naman kung mag-dre-dress ako para sa graduation namin sa NSTP.. pero baka mag-slucks na lang ako. K. Ka-excite. :)

Labels: ,


ends at 7:02 PM

0 comments
interviewY
Saturday, March 1, 2008

Grabe. Nasayang lang ang 2x2 ko. Haha. Kanina, 6:30pm in-interview ako sa dunkin donuts. Okei na sana e. Matatanggap na sana ako kahit 16 pa lang kundi lang dahil sa schedule ko. Kaasar na schedule yan. Mahihirapan raw kasi ako. Pero ayos naman kahit hindi ako natanggap atleast alam ko na kung paano interviewhin. Hindi naman pala nakakakakaba. Medyo lang.

Labels:


ends at 6:58 PM

0 comments