Kahapon[02.20.08] Ako ang nagbasa ng gospel of the day sa english, grabe, sinaulo ko ang summary ng gospel na binasa ko pero nung nasa harapan na ko hindi ko na maalala. At dahil tinamad akong gumawa ng assignment, isa lang ang naipasa kong example. At.. mali pa. Nakakahiya na nakakatawa. Haha.
Botohan ng mga bagong officers para sa IDCC, e tinamad rin kaming pumunta sa convery hall, kaya yon... hindi kami nakaboto. Yun lang.
Ngayon. Kaasar. Ayaw lumbas ng browse files sa friendster, di tuloy ako makapag-upload. Hmp. Naadik na ko sa pag-edit ng mga picture. Kasalukuyan ko ring pinapag-aralan kung paano maghide ng mga ek ek sa friendster. Woo. matututo rin ako.
Bukas. Youth camp na, imbes na excitement ang nararamdaman ko, kinakabahan ako. Hindi ko lam pero ganun e. Maya-maya na ako mag-iimpake. Haha. Parang maglalayas na ko sa dami ng dadalhin. Tsk.
Labels: codes, election, gospel reading, Youth Camp