Sinisipag na naman ako. Kaya eto, magkwekwento na naman ako.
Nung saturday, [02.16.08] malamang NSTP, tinimbang namin ang mga bata sa mactan, bahagi pa rin ng feeding program. Grabe, ang kukulit nila. Malamang bata yon. At.. at.. ang dudungis. ^^ Pero, nakakatuwa naman kasi ang iba sa kanila, cute! Pipicturan ko sana yung isang batang cute kaso nakatingin yung nanay niya. Kaya yon.. Hehe.

Kahapon naman, birthday ng classmate ko, si
Amanda. Dahil birthday niya, nangtreat siya sa Sam’s pizza. Monday na monday gumigimik kame. Ansaya kahit wala yung iba. Panay hiyawan, pakakulit kasi ng mga lalakwe. Pinakanta namin si Clifford, kumanta naman siya sa stage pero bago yon, hindi namin akalaing kakanta rin si Ryan. I’ll be ang kinanata nila. Nakakatuwa na nakakahiya. Haha. Pero ang saya. Kumanta rin si Marjorie at ang taga-gitara ay si Krixie. Mahina ang boses ni Marj pero maganda naman. Dalawang kanta ang kinanta niya, Para Sa’yo ni Aiza at yung isa nalimutan ko na.
Kanina naman, dahil meron ako ngayong araw na to, hindi ako nakapagswimming. Nakakainggit manuod sa mga classmate mo. Sayang ang 100 points.