Ilang days na rin akong walang entry. Medyo busy kasi. Pero salamat tapos na ang midterm..[ai yung sa HDE pa pala sa monday]at tapos na ang project naming newspaper clippings sa Philippine History. Halos kilala ko na ang mga pangalang nasasangkot sa ZTE scandal na yan, kung hindi lang kasama sa exam yang mga balitang pambansa, di ako magbabasa-basa ng dyaryo eh. At matatapos ko na rin ang research ko sa Filipino. Ngayon lang talaga nagkaroon ng silbi saken ang english-tagalog na dictionary namin.
February 6. Nagsimula ang midterm.
Nagcramming na naman ako sa paggawa ng mga example ng figure of speech sa english. haha.
Ansaya mag-group chat kapag kayo-kayong magkakakilala lang. Ang kukulit.
February 9. May parade kami sa NSTP, pero dahil hindi ako nagising ng maaga, hindi ako nakasama sa parade.
Nakakabagot panuorin ang program sa convery hall kaya tumakas na lang kaming magkaklase. Buti't di kami nahuli ng titser.
Ito ang date kung kailan naging mag-on ang friend ko at yung girl na 4 days pa lang niya nakilala. Biglaan. Pero, sana magtagal sila.
February 10. Maghapon lang akong nanatili sa bahay.
Napaginipan ko yung crush ko sa kabilang block na nakipagkilala raw siya sa ken. Haha. Katuwa! pero panaginip lang yon.
February 11. Nakasabay ko sa jeep ang isa kong classmate sa english na crush ni Imari. Dahil nahihiya akong pansinin siya, minabuti ko na lang na talikuran siya sa jeep. Hehe.
Ngayon, midterm sa p.e. Katuwa dahil nalangoy ko ang dulo sa dulo ng swimming pool, hindi ko na kayang abutin ang 5ft. Kaasar. Salamat na lang sa tulong ng mga boys.
Dahil special ang araw na ito kay Hazel, nang-treat siya sa tambayan ng block namin, engeneroz.
Dahil nadalaw ko na tong blog na to, oras na para gumawa ng aking autobiography. Hindi sana ako antukin.