Dahil hindi kami nakapagpasa ng resume kahapon sa KFC ni Reynan, kanina na lang kami nagpasa ni Imari. Kamusta naman yun naghilian pa kami kung sino ang magbabayad ng folder kanina sa Rona's. Haha. Halagang 4.50 nagmuka kaming ewan. Lamang pa siya saken ng 25cents dahil P5.00 ang binayad ko sa counter tapos di na ako sinuklian. xp
Sa p.e class namin, medyo nag--iimprove na ko sa pagswimming. Ansaya! :) After ng swimming, dahil malamig ang panahon at umaambon-ambon pa, pumunta kami sa pag-asa, sa mamihan dun. Naglakad lang kami kaya naulanan kami pero balewala lang ang ulan samin. Haha. Ansaya maligo sa ulan. Pag dating sa mamihan, hindi naman mami in-order ko kundi burger. Para kasing hindi ako mabubusog sa mami pero as in masarap yun kahit kanina ko lang natikman. After nun, nagpunta kami sa San Lorenzo Ruiz Parish dahil feast day ata ng simbahang yun ngayon at magsasayaw ang kaibigan ni Karla dun. Ngayon ko lang nalaman na may simbahan palang San Lorenzo dito sa Olongapo, kaya naman hindi ko pinalampas yung pagkakataong magdasal kahit sandali lang sa simbahang yon. May nakapagsabi kasi saken one time na kapag first time mong makapunta sa isang simbahan at nagdasal ka, matutupad yung dinasal mo sa Kanya. Hindi ko alam kung mali interpretasyon ko o kung totoo yun. Basta nagdasal na lang ako, wala namang mawawala e. May kaibigan si Karla na bakla na nakilala ko run, para siyang si Jason na HS friend ko. Hindi rin namin napanuod magsayaw yung friend ni Karla dahil marami pa kaming gagawin kaya yon, umuwi na rin kami.
Pakarami kong gagawin. Pero, sinisipag akong mag-update kaya eto.
Mga gagawin ko:
2 term paper. Sa English, tapos ko na lahat ang kulang na lang ay yung list of terms ng topic ko. Hindi ko alam kung bukas na ipapasa yun o sa friday pa. Sa Filipino, 7 na yellow pad ita-type ko sa computer. May naumpisahan na ako kaya 6 yellow pad na lang.
1 report. Sa PhilHistory, tapos ko naman na kaninang ibuod yung napuntang report ko dito at bukas ibibigay na namin sa classmate namin para ayusin na niya sa powerpoint. Ako ang leader ng grupo namin. Sa saturday pa naman kami magre-report pero gusto ko nang matapos kaagad para hindi kami mag-cramming.
3 project. Sa HDE, isang outstanding filipino na related sa course namin ang kailangan naming kalkalin ang buhay. Sa March 16 pa naman ang pasahan nito pero kailangan kong magawa na kaagad dahil malapit-lapit na rin ang finals. Sa, PhilHistory, yung dollor rate araw-araw simula nung Feb. 10 hanggang sa finals kailangan naming ipa-photocopy. Sa finals pa rin naman ang pasahan nito. Sa Theology, limang parables na matatagpuan sa gospel. Marami ring kaechosan na gagawin dito. Sa march 6 na ang pasahan nito.
Yung resume pa ni Daisy kailangan kong gawin ngayon dahil pinipilit niya akong gawin yun kanina. Napilit naman niya ako kahit marami akong gagawin. Haays.. Yung profile ni Hazel, noon pa niya pinapaayos sa ken ang fs niya, pero dahil busy nga ako ngayon, hindi ko pa maharap yang mga ganyang bagay. Yung fs naman ni Melvin na bago na pinagawa niya sa ken dahil may nang-hack ng last fs niya, gawa ko naman na to. Bahala na siya mag-asikaso nun. Marami pa rin akong gagawin pero, mga ka-echos-an ko lang yun.
So ayan na nga ang mga gagawin ko. Sa ngayon, gagawin ko muna yung term paper ko sa english at yung resume ni Daisy.
Labels: mamihan, parish, swimming, term paper