<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/2637413228050757705?origin\x3dhttp://ashane14.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g? targetBlogID=3054107564476057249&blogName=url.blogspot.com&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSI C&homepageUrl=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Welcome to ashane14.blogspot.com
Looking for a job.Y
Monday, February 25, 2008

Kanina, hindi dapat ako aalis dahil inaatake na naman ako ng katamaran. Mas masarap kasing matulog. Pero, inisip kong gusto ko talagang ma-try magtrabaho kaya yun.. tumuloy na ako sa lakad ko. Mag-aaply kami ng trabaho ni Reynan, HS friend ko. Sinundo ko muna siya sa bahay nila, nadatnan ko pang natutulog ang mokong. Nakaalis kami ng bahay nila ng mga bandang 3:30pm. Nagpa-2x2 picture muna kami, dahil sa dami ng tao, alasais pa raw makukuha yung picture. Kaya nagpaprint muna kami. Nakita pa namin sila Giselle, Clinton at yung Jm na tropa nila, si Camille at Rocel na nag-iinternet at si Vincent na tropa ni Reynan. Nagkalat ang mga kabatch namin sa paligid.
Pinaphotocopy ko na lang yung resume ko para marami. Sa dami ng napuntahan naming xerox machine, wala akong nagustuhang photocopy nila. Ang nipis kasi ng mga coupon bond at yung ink, medyo malabo. Dapat daw kasi malinis ang resume kaya yun, nakaabot kami sa tapat ng munisipyo para maghanap ng magandang xerox machine.
Nang nakuha namin yung 2x2 pic ko, diretso na dapat kami sa KFC para magpasa ng resume, kaso nahiya kami kaya sa Dunkin na lang kami nakapagpasa. Dahil hindi alam ng mga kasama ko dito sa bahay na nag-aaply ako ng trabaho, iniwan ko lahat kay Reynan yung mga resume ko.
After 2 weeks, magte-text na lang daw sila kung iinterviewhin na kami. Sana naman matanggap ako kahit 16 years pa lang ako.

Labels:


ends at 9:06 PM