Hindi ko alam kung naiinis ako o natutuwa sa mga oras na to. Ang kulit kasi ng mga kapatid ko. Mga siga dito sa bahay. Si kuya, halos hindi na ako makaupo dito sa computer dahil sa pesteng assignment niya, ang AutoCAD, syempre kailangan niya matapos yun at mapag-aralan kaya sige, bahala siya. Tapos yung isa ko namang kapatid, napakasungit. Sarap umbagin. Hehe. Pero, hindi ako papayag na sirain nila ang gabi ko. Smile shane, smile! :)
Kanina sa english, may bago kaming klasmeyt. English spoken, kana at ang height? Jusme, pakatangkad! Grabe ah.. midterm na tapos may bago pa rin kaming klasmeyt. Siguro kapupunta pa lang niya dito sa pinas. Pero kung anu man ang dahilan kung bakit siya nandito sa Pinas, okei lang naman ang dating niya sa min dahil ngayon, may stateside na kaming klasmeyt. Haha. Pero ewan, sit-in lang yata yun.
Pa-easy-easy na naman ako ngayon, akala ko kasi bukas na ang pasahan ng news paper clippings namin sa history, pero sa Feb. 9 pa pala. Kaya eto, maaga akong matutulog. Anong konek? wula lang. Hehe. pero, oo hindi na maaga to, dahil mag-aalasdose na. Kaya, good night.