Alas-siete ang napag-usapan naming oras ng pagkikita-kita sa kings. Pakalalaki ng mga bag namin, akala mo maglalayas. Dumating kami sa barreto gym ng mga 8.30. Hindi namin kasama si Marj kasi kung hihintayin namin siya, anong oras na kami makakaalis sa tagpuan. Nang dumating si Marj, galit siya. Pero di rin nagtagal, pinansin niya rin kami.
Nagsimula ang lahat sa talumpati ni sir Madriaga. Pakahaba. Nang mga oras na yon, halos lahat kami niaantok. May stolen shot kami. Halatang antok na antok na ko. Hehe.

Mga bandang 11 na siya natapos. Inuna muna naming ayusin ang higaan namin saka nag-lunch. Dahil walang tubig ng mga panahong yun sa comfort room, nakaabot pa kami sa c.r sa loob ng school para lang magtooth brush. Haha.
Mga 2pm. Naggrupo-grupo kami. Eto ang grupo ng group 1. Nung una, hindi talaga ako nagsasalita. Halos mga taga-block B mga ka-group ko at ang iba, mga highers years na. Iba-iba kami ng course. Buong maghapon nilaan namin ang oras namin sa pag-iisip ng pangalan ng group, poster ng group namin, yells at cheering. Mga bandang 4 na kami natapos. Syempre hindi mawawala ang merienda. Isang pirasong tinapay at juice. Bitin na bitin kaming lahat.
[sa bandang kaliwa kami]
Mga bandang 5.30. Si sir Larafoster naman ang namuno samin. As usual, sayaw na may kumpas-kumpas ng kamay ang pinagawa samin. Habang busy siya sa pagsasalita sa harap, busy rin kaming kadadaldal. Haha. Nakakaawa ang pinanuod niya sa aming dokumentaryo. Pinakita sa videong yon kung paano mag-abort ng sanggol. Shet. Nakakaawa yung mga fetus!
Mga 8.30 na kami nakapag-dinner. Halos gutom na ang lahat. Kanin with adobo. Saging with juice.
Mga bandang 10 nag-umpisa ang camp fire. Sampung grupo ang maglalaban-laban at unang-una kami. Grabe, nangapa-ngapa na lang kami ng steps. Haha. Hindi ko na lam kung anong oras nag-umpisa ang pageant night. Hindi mga babae ang naglaban-laban kundi mga barakong lalaki. Ang gaganda nila. Haha. Hindi ko na inalam kung sino ang nanalo. Mga bandang 2 ng madaling araw na kami nakatulog.
Mga bandang alasais, kahit ayaw ko pang bumangon ay ginising na kami. Hindi pwedeng kukupad-kupad dahil leadership camp yon. Haay..
Pakasaya ng mga pinagawang aktibidades samin.
Yung catterpillar walk na kasumpa-sumpa. Hangsakit sa paa! Pakaganda ng mga paa namin nun, namumuti sa alikabok. Haha.
Yung butterfly ewan. Grabe, kawawa kaming mapayat sa mga matataba naming ka-group. Tawa kami ng tawa sa challenge na to kaya nakakapanghina lalo. Haha.
Yung longest game na halos lahat tinanggal na. Yung tali ng jogging pants ko at yung jogging pants ko mismo. Buti na lang may pantakip, anlaki ng tulong ng sapin sa bedings. Haha.
Yung spider web na isa sa paborito ko. Ako ang ginamit para sa trial. Ansarap ng feeling kapag binubuhat. Feeling ko nasa kama lang ako. Haha.
Yung water relay na pinakamadali sa lahat. Tatakpan lang lahat ng butas ng timba at dapat hindi bababa yung tubig sa linya timba hanggang sa finish line.
Yung trust fall na pinakapeyborit ko sa lahat. Ako pa rin ang ginamit para sa trial. Nakatatlong beses ako dito. Haha.
Yung commando crawl na puro putik na may konting damo ang gagapangan mo.
Mga di ko malilimutan:
Halos dalawang araw lowbat ang cp ko dahil sa virus. Lintek.
Nawala yung sim ni Amanda. Hahaha.
Yung pagtakas sa activity para lang makaligo.
Yung mga itsura naming madudungis at pawis dahil sa mga activity.
Yung pagkain namin sa bleacher at sa higaan.
Yung mga langgam sa pader. Hehe
Yung manggang tinda sa kanto.
Yung harutan sa higaan.
Yung mga taong nakilala ko dahil sa youth camp.
Waah. Ansaya.
Mga 2pm kami pinauwi. Parang mga balik-bayan kaming lahat sa dami ng bitbit. Pag-uwi ko dito sa bahay, parang ang tagal kong nawala kahit na 2days at 1 night lang naman. Nag-iba ang ayos nga bahay namin. Hindi pa man nakakabihis, nakaupo na kaming magkaklase sa computer. Haha. Naligo lang ako at kumain tapos umalis ulit. Syempre may band competition sa school namin kaya manunuod ako. Wala raw kaming kapaguran. Haha. Tingnan ko lang bukas kung di sumakit katawan ko.
Labels: band competition, Youth Camp