Nagpagupit na ako ng buhok. At nilagyan ako ng bangs ng baklang nag gupit sa ken. Hindi ko naman sinabi pero sabi niya yun daw ang uso ngayon. Haay oh siya sige siya bahala. Ang kinalabasan? Hindi ko nagustuhan! Pero wala e, nagupit na e. Pero sabi nila okay naman daw.
Hindi ko pa rin nakukuha yung uniform kong pinarepair nung nakaraang wednesday pa. Ang sabi sa saturday daw pwede na makuha tapos sa sunday na lang daw tapos ang sabi kanina, bukas na lang daw. Sana lang makuha ko na bukas...
Namalengke kami kanina nila Marj at Imari. Nagtatalo pa kami kung anong itsura ng pechay baguio. Ang saya naman mamalengke at matawag na sexy ng mga nagtitinda. Hehe.
Grabe pasukan na bukas. Hindi ko pa feel. Ayoko pang mag english. Ayoko pa mag p.e!