NSC. Grabe, pinagkaisahan namin yung titser namin. Dahil badtrip kaming lahat sa titser naming yon, hindi namin siya pinasukan. Lahat kami umalis ng room. Kanya-kanyang punta kung saan, meron sa library, sa computer lab., at sa tambayan. One time lang naman yon at hindi ko na uulitin yun.
Kanina naman sa english, tawa nanaman ako ng tawa. Pumiyok kasi yung prof namin, as in!. Haha. Ewan ko ba, hindi ko talaga mapigilan yung tawa ko minsan. Hehe.
Nagpa-dental at nagpa-medical na kami kanina. Ganun pala yon sa medical, kailangan pa kuhanin yung urine namin. Nung una, parang eeww.. pero galing naman sa min yun kaya sige, go! Nung 1st sem naman kasi walang ganun ganun. Basta kinuha lang ang blood pressure, konting tanong-tanong about sa sarili mo, okay na. Ngayon na kami nagpa-medical dahil kapag mga bandang finals na.. jusko pakahaba ng pila. Nakakatawa pa kami ni Imari, dahil nasa elementary campus ang clinic, hindi namin alam kung san ang c.r, at nung nakita namin, hindi namin alam kung saan ang c.r ng babae. Akala namin c.r ng lalaki ang napasok namin, nataranta pa kami sa paglabas, yun pala pambabae yon. Bakit naman kasi walang nakasulat kung pambabae ba yon o panlalaki e. Haha!
Nakabili ako ng wala sa plano ng headband kanina. Ewan ko ba, dalawa pa ang nagustuhan ko. Nasira nanaman tuloy ang inipon ko.