Nakakaewan talaga ang araw na 'to. Gagawa kasi dapat ako ng term paper ko kanina, papunta ako sa library ng school namin pero sa gate pa lang hinarang na ako ng guard. Mukang xunga, wula raw pasok kaya hindi pwedeng pumasok sa school. Umbagin ko yun e. Ang alam ko kasi CBA teachers lang ang may mga seminar kaya ibig sabihin kaming department lang ang walang pasok. Eh yun nga, edi sige okay fine di pwede kung hindi. Kaasar lang kasi kung kailan ako sinisipag gumawa ng mga research papers and reports, dun pa ako hindi pinahintulutan. Eksena siya! Dahil ayaw ko pang umuwi ng bahay, wula naman akong mapuntahan, nag-internet na lang ako kahit may net naman dito sa bahay. At buti

naman may nakita akong mga kakilala kaya may nakadaldalan ako. Wula akong magawa kaya nag-picture-picture na lang ako. Ang isa sa mga kinalabasan ay ayan.
<-
Mukang ewan diba, pero natutuwa ako sa picture na yan. :)♥
Nang mga bandang alas-kwatro na, oras na para makipagkita ako sa katagpuan ko, si Reina. Wula kaming mapuntahan kaya naglibot-libot na lang kami. Naupo kami sa isang bench at dun nagkwentuhan about sa lovelife. Siya lang ang daldal ng daldal. Wula naman kasi akong lovelife as of now kaya wula akong mai-share. Ang sabi niya, kapag ang nanay mo ang nagbabawal sa'yo ng mga gusto mong gawin, nakakabwisit minsan, pero, kapag bf mo, parang ang sarap ng feeling. Ewan ko, pero, parang may point siya. Sa mga pinagkukwento niya about sa lovelife niya, tuloy bigla ko na gusto magkafafa! Hehe. Biro. Ü
Kailangan ko ng paksa sa filipino para sa research, kahit tungkol saan, baka may maisuggest kayo :)