<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/2637413228050757705?origin\x3dhttp://ashane14.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g? targetBlogID=3054107564476057249&blogName=url.blogspot.com&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSI C&homepageUrl=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Welcome to ashane14.blogspot.com
2008 na!Y
Tuesday, January 1, 2008

Oo natapos na ang christmas at bagong taon, hindi ko man lang nadalaw tong blog ko. Hindi ko alam pero tinamad talaga akong magtype nitong mga nakaraang araw, pero ngayon pipilitin kong alisin yung katamaran na yun. Promise!


Matapos ang outing na christmas party na rin namin, hindi na ulit ako nakagala.

Thanks sa mga nagbigay ng gift. Hindi ko sila makakalimutan. Andrama.
Dahil malalaki na kaming magkakapatid, pera na lang ang niregalo sa min nila papa. Nung 25, natutulog pa lang ako, dumaan na sa bahay yung ninong kong galante. Hindi na nila ako ginambala sa pagtulog ko kaya kay mother na lang niya inabot ang aking pamasko. 1st year college na ako pero hindi pa rin niya ako kinakalimutan kapag pasko. Thanks kay ninong Oscar. Siya lang ang nagpamasko sa kin na ninong ko. Dahil nga malaki na ako, hindi na ako pumunta sa iba ko pang mga ninong at ninang dahil nahihiya na ako. weh.


Badtrip ako kay mother nung pasko, kung kailan kasi ako may pera ayaw akong pagalain. Kaasar talaga.

Dec. 30, Happy birthday Hazel.


Happy birthday Glynn.


Dec.31, Happy birthday Ryan.


Nung disperas ng bagong taon, dahil hindi pa tapos si mother sa pagluluto, hindi na kami pumunta ng board walk, sa bahay na lang kami nag stay. Nagpaputok ako ng piccolo pero pa-isa isa lang naman. Nakita ko na lang ang mga kapatid ko na tumatawa sa kin, ang manhid ko raw kasi dahil may paputok sa likod ko pero di man lang ako natitinag. Ewan ko kung bakit pero siguro busy akong kakapanuod ng mga fire works sa langit.


Nainip ako kaya ayan pinaggagagawa ko. Muntanga lang e no.





Wala akong load nung sumapit ang 2008. Nangangamba ako baka wala akong load sa buong taon, pero alam kong hindi mangyayari yun hanggat sinisipag akong magtext.


Belated Merry Christmas ang Happy Happy New Year!

ends at 8:04 PM