Gabi-gabi na halos ako puyat. Hindi dahil sa kagagala, kundi dahil sa kababasa ng pocket books. Nakakawili pala kapag naumpisahan mo na magbasa ng mga ganun. Excited kang malaman kung ano ang mangyayari sa huli. Kaya ayun, naadik na kaming magkaka-klase.
Simbang-gabi na. At kagabi nagsimula. Nagsimba ako, hindi sa Columban kundi sa San Jose. Alam ko kasing maraming mga ka-batch ko ang dun rin magsisimba e. Kaya yun. Sana makumpleto ko na ang simbang-gabi by this time.