<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/2637413228050757705?origin\x3dhttp://ashane14.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g? targetBlogID=3054107564476057249&blogName=url.blogspot.com&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSI C&homepageUrl=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Welcome to ashane14.blogspot.com
RandomsY
Tuesday, December 18, 2007

Tanging-yaman
Naipakilala na ni Jarviz sa ken ang kanyang tanging-yaman, ang kanyang niligawan. Hindi ko alam kung bakit yon ang tawag nya dun sa gurl pero, kakatuwa naman diba kahit medyo baduy. Haha. Mabait naman yung gurl, madaling pakisamahan at friendly.

Pangatlong simbang-gabi
Dahil mga 6:30pm na kami natapos mag-usap usap ng mga kagrupo ko sa filipino para sa dula-dulaan namin, late na kaming makakapunta sa San Jose para magsimba, 7:30 ang mass dun, alam naming hindi na kami makakaabot pa dahil uuwi pa kami sa kanya-kanyang bahay. Tatlo lang kami nila Daisy at Francis magsisimba kaya napagpasyahan naming sa Columban na lang mag-mass. Sa bagal kong kumilos kaya ako na-late sa oras na pinag-usapan. Akala ni Francis ay may susunod pang misa, pero nung wala pala, halos sisihin namin siya ni Daisy dahil hindi na namin mabubuo ang simbang-gabi. Buti na lang sinabi ng guard ng Columban na sa Subic Int'l Hotel ay 10pm ang umpisa ng misa, kaya doon na lang kami pumunta. Mag-aalas dose na ako nakauwi sa bahay, napasarap sa kaiikot sa night market, hindi ko naisip na may exam pa pala kami kinaumagahan.

Dula-dulaan
Ako'y hamak na narrator lang kaya pa-easy-easy lang ako habang nagprapraktis ang mga kagrupo ko sa corridor. Tungkol sa pamilya ang aming munting dula-dulaan. Naging maayos naman ang pagpe-perform namin kahit ang gulo ng iba at di alam ang susunod na eksena.

BMT prelim
Grabe bakit ganun, kapag ang titser mo ang nagpapakita kung paano na-solve ang problem, parang ang dali-dali pero bakit kapag ikaw na mismo ang nagso-solve parang hello panu to? Nakakatuwa ang bonus question ni sir. Nakaka- oo yun na. Hindi alam kung english ang tinuturo o math.
8 and 8 ARE 15 or 8 and 8 IS 15?
siret na?

ends at 2:49 PM