Late na naman ako kanina at asar 'yung guard ha. Hindi kami pinapasok ng school dahil hindi raw kami naka-uniform. Naka- CBA t-shirt naman kami na may logo rin ng CC. Kainis. Ang hirap talagang makapasok sa Columban kapag hindi naka-uniform at late ka pa. Wala na kaming nagawa ni Danielle kaya naglakad-lakad na lang kami sa mall para magpalipas ng oras. Plus one point sa finals kapag nakumpleto ang attendance, kaso wala e. Sayang!
Dahil ayaw pa naming umuwi magkaka-klase, naglakwatsa na lang kami sa SBMA. Napadpad kami sa Yellowcab, pumasok lang kami at naupo ng saglit tapos lumabas na. Mas pinili na lang ng mga manlilibreng si Hazel at Krixie sa Chowking. Syempre hindi mawawala ang picturan habang naglalakad.
Sinindihan na kanina ang Unity Christmas Tree, na bago gawin ay nagkaroon pa ng mahaba-habang serimonya. Ang akala namin, napakaliwanag nun kapag nasindihan pero nagkamali kami.
Bago na naman itong blog ko. Nakailang blog na rin ako. Una, yung sa friendster na nakailang entries din ako. Yung sa wordpress, na kahit minsan hindi ko nagamit. Yung una kong blog dito sa blogspot na dahil nakakasawa na at hindi ko rin naman na nagagamit, minabuti ko na lang na i-delete. At heto nga, bago na naman. Sana lang lagi na akong makapag-post ng entries dito.