<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/2637413228050757705?origin\x3dhttp://ashane14.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g? targetBlogID=3054107564476057249&blogName=url.blogspot.com&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSI C&homepageUrl=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Welcome to ashane14.blogspot.com
NSTP at Outing ng block A ;]Y
Sunday, December 23, 2007

NSTP. 7am na ako nagising, pero 6am ko in-alarm yung cell phone ko. Ang hirap talaga gumising ng maaga lalo na kapag anong oras ka na natulog. 10am na kami nakaalis ng school. Ampakainit na ng mga oras na yon. Gift giving na sa mga pamilyang inusisa namin ang buhay nung nakaraang nakaraang sabado. Enjoy naman. Nang pauwi na, naglakad ulit kami papunta sa sakayan ng yellow jeep, at habang naglalakad kami muntik na kaming malapa ng aso, buti na lang at nakatawid agad kami ni Hazel sa high-way.

Outing. 1-1.3opm ang usapan na hintayan. Dumating ako sa tagpuan ng exact 1.3o. Pero ang hirap talaga kapag magkaiba ng network. Naka-globe kasi ako ng mga panahong iyon, so hindi ko natanggap ang group message ni Amanda na 2.0opm na lang daw magkita-kita dahil hindi pa luto ang spaghetti. So ayun, nag-ikot-ikot muna ako kung saan. Alas tres na halos kami nakaalis papuntang beach nila Amanda, Grace, Hazel, Elysa, at si Charmaine. Sila Chino at Ryan, naiwan muna sa tagpuan para hintayin ang hindi pa ring tapos lutuing spaghetti ni Racel.

Special thanks to Bernard dahil sa paglagay niya ng anti-virus at themes sa cell phone ko for free! :)
[Yung lalaking stripe yung damit.]
Sayang hindi lahat sumama. Pero, atleast natuloy at nag-enjoy kami.
6pm kami umalis nila Marj at Daisy sa beach. Nag-upload muna ako ng pics sa netopia. 9pm na ako nakauwi. Mabuti't hindi ako pinagalitan kahit hindi alam ni mama na sa beach ginanap ang xmas party. :)

ends at 12:58 AM