<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d2637413228050757705\x26blogName\x3dblah.+blah.+blog.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://ashane14.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://ashane14.blogspot.com/\x26vt\x3d652266237883648691', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g? targetBlogID=3054107564476057249&blogName=url.blogspot.com&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSI C&homepageUrl=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Furl.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Welcome to ashane14.blogspot.com
Buh-bye.Y
Friday, 14 November 2008

I moved.
Click this

ends at 6:49 PM

2 comments
Muling nagbabalik.Y
Monday, 27 October 2008

Ayan. Sa wakas naman. Nadalaw ko rin 'to. Grabe ilang buwan rin namayagpag sa internet 'tong blog na 'to na walang update. Last two days pa before my seventeenth birthday nang last akong mag-update. Grabe kasi, hindi ko expect na hindi ko maaasikaso 'to 'nung may pasok na. Hindi naman ako laging busy, may times lang talaga na sadyang tinatamad ako or may ibang pinagkakaabalahan. Yup. Marami na akong pinagkakaabalahan sa internet at siguro hindi na minsan maisingit na madalaw pa 'tong blog na 'to. Tsaka, kung ikaw ba naman kasi, pag-upo mo pa lang sa computer, syempre una mong bubuksan yung YM mo, eh lagi akong may OL na ka-YM kaya syempre hindi maiwasan ang hindi magkachokaran. Hanggang sa ayun, tuloy-tuloy na ang usapan hanggang sa nawala na ang balak na mag-blog. Grabeee. Ilang beses ko sinubukan mag-update kahit papano nun, kaso ewan ko ba sa sarili ko. Waa sana kilala pa ako ng mga ka-blog ko rito kahit papano. Haha

Highlight ng second semester ko.

MIDTERM. Grabe kami gumawa ng mga kalokohan. Haha. Nagkakaisa. GM lang katapat niyan eh. Pero sa mga piling subject lang naman kami gumagawa ng kasalanan, dun sa mga subject na yung teacher ay nakakawalang gana. Lahat naman siguro ng estudyante nakaranas gumawa ng kasalanan kapag exam. Diba, diba? Aminin. Pero nung finals, tumino na kami. Syempre finals na yun kaya kailangan sariling sikap na. :)

SUPERFRIENDS. Natapos ang sem na to na nakakilala ako ng mga maituturing kong mga totoong kaibigan. Yung mararamdaman mong nadiyan sila para sa'yo. Yung magaan ang loob mo sa kanila. Salamat sa kanila dahil isa sila sa mga naging totoo sa'ken. Ayan tuloy, nadagdagan na naman mga friends ko. Weh? Hahah

BOYS. Wew. Ang haba daw ng hair ko dahil sa kanila. Grabe di ko naman kasi iniexpect na ganun mangyayari. Akalain ko ba. Enough. Ayaw ko na pag-usapan.

PILGRIMAGE. Isa sa mga event ngayong sem na 'to. Kung gusto niyo malaman kung anong nangyari sa'min, puntahan niyo na lang multiply ko dahil dun ko kinuwento kasama yung mga pictures.

SHOT. Haha. Ngayong sem na to, nakilala ko ang salitang shot. Mga tanggera ba naman mga kasama mo lagi eh. Pero syempre, kahit ganun, di naman ako nahawa sa kanila. Masaya lang ako pag nagkakayayaan mag-shot. Hahah. Anong masaya dun? Wala naman. Trip ko lang.

NADAPLISAN AKO. Wew ang baduy. Haha. Pero saglit lang naman, kani-kanina lang. Tapos nung kumain na 'ko ng hapunan nawala na. Hahaha. Tsaka nung nakaraan, basta. haha :D Marunong din naman kasi ma-hurt. Kahit ayoko, 'di talaga maiwasan.

CASE ANALYSIS. CROSSWORD PUZZLE. ETC. Grabee.. Naging sobrang super busy kami dahil nagcramming kami sa mga project. Kasi naman ang daming pinagawa ng mga prof. Hindi katulad sa Block B. Next time huh, kung anu-ano kasi inuuna eh.

Yan na yun. Ciao.


ends at 10:28 PM

1 comments
Y
Tuesday, 21 October 2008

Sembreak na! Yeepee. ;))

ends at 12:09 AM

0 comments
Walang pasok. :)Y
Monday, 28 July 2008

Ahy grabe. Hindi ko alam kaninang umaga kung magbubunyi ako o ano. Banaman kasi, nakabihis na ko’t lahat lahat, lalabas na lang ng bahay nung nakatanggap ako ng mga GM. Wala raw pasok! (Ewan kung dahil may bagyo ngayon o dahil SONA ni Madam Pres. kaya walang pasok.) Isa pa, reporting ko ngayong araw na ‘to. Sayang yung effort kong pagpupuyat kagabi na halos maadik na ko sa amoy ng pentouch at matabunan ng mga cartolina para tapusin report ko tapos ganun. (Mungewan siya. :D Pwede namang OHP o kaya powerpoint, cartolina pa pinagamit.) Kaya ayun, sa wednesday na lang ulit. Natapat pa sa araw ng 17th birthday ko. Bayun. Araw ko yun tapos puro cartolina bitbit ko. Hays. Pero natuwa rin naman akong walang pasok dahil walang P.E. Bigat kaya magdala ng rubber shoes, uniform at raketa. Hirap din mag-cramming pag lunch time. 30 minutes lang kasi ang break ko pag monday ng tanghali kaya dapat paspasan sa paglamon. Isa pa kaya natuwa ako dahil nakapagpahinga ako. Saya matulog maghapon. Ahe

May nabasa ako sa isang blog. HOW TO CONTROL EMOTIONS. Wala lang, natuwa lang ako nung nabasa ko. Kung gusto niyo ring mabasa, click this.

ends at 6:29 PM

2 comments
Busy.Y
Thursday, 24 July 2008

Ahy grabe. Nabubulok na 'tong blog ko kaya i-update ko nga kahit papaano.

Kamusta naman ako?..

Ayun, malungkot. Weh weh. Wag na nga magdrama. Ahe

Sa tagal kong hindi nag-blog, hindi ko na lahat maikukwento mga nangyari sa buhay ko.

Basta, dumaan ang debut ng isa sa pinakaclose kong gurlalou sa school(Imari).
*Ilang beses ko nakasalubong ang isang taong gusto kong makita pero ako ayokong makita niya ko.
*Nag-debut rin pala si Marj ng bongga. Na wala akong nasabi 'nung iaabot na yung symbolic gift kung 'di "happy birthday". Bayan. First time ko kasi mag-ganun-ganun ay.
*Medyo natuwa makipag-uzzap dahil free.
*Natapos na ang Prelim.

Ang bilis ng mga pangyayari. Parang.. ching!

At malapit na rin pala ako mag-seventeen. Natutuwa naman ako dahil dami na nakakaalalang mga prenships.

At ngayon.. puro na kami reporting! Sunod-sunod. Grabe ayoko pa naman ng nagsasalita sa harap ng maraming tao. Nawawalan ako ng confidence. Weh weh. Haha

Oh xa. Hanggang sa muli ulit. :)

ends at 1:49 PM

1 comments